Skip to main content

Hair Gel

Isang araw madami pa akong time (bago pumasok) para maghanap ng mabisang pang-tame ng buhok sa tukador ng mga hair products..pang lalake halos lahat. Mahirap 'to. Spraynet?ayoko, titigas buhok ko.

Hair mousse? Ppkksssshhhhk! Ay malabnaw, expired na.

Hair wax?ay anlagkit..
Hhhmm..ayun gel.(meron orange at clear) alam natin ang ichura ng gel.di kelangan basahin para malaman na gel sya, ichura palang, nag susumigaw naman na syang 'GEEEELLL AKOOOO!' kinuha ko ang clear.binuhos sa kamay, medyo madami..malabnaw pala ang gel these days..i applied liberally onto my gorgeous but very, very frizzy hair. wow di malagkit sa kamay.winner! Suklay suklay..wooow!!ganda.

Sabay tingin sa salamin. Ayos na.

Pagpasok sa office...

Kawork: ang ganda ng buhok mo ngayon, maayos.

Ako: may nilagay ako eh.chaka nag suklay ako today.:)

Kaya palaaaaaa! Milagro!

Saya! Mga 16371910361 na katao ang nagsabing ang ganda ng hurr ko. Shet na kasing lagkit ng bulldog! eto na ata ang kasagutan.hallelujiah!

Kinabukasan, mas madami akong oras bago pumasok, susubukan ko naman ang orange..baka maiba ang magic.haha.kinuha ko parehong bote, yung clear chaka orange para malaman ko pinagkaiba.

Yung orange sabi hair gel..yung clear..sa awa ng mga santo at kaguluhan sa Middle East..hindi pala sya gel!!!!Gusto ko gumulong sa putikan at mag tumbling sa ibabaw erpleyn!😢

Bumalik sa isip ko ang pagpahid ko, ang pagdagdag ko kasi hindi ako nalagkitan..at ang feeling nya sa aking magandang ulo..cool eh..swabe lang.pero..

Pano mo sasabihin sa sarili mo na mali ang pananaw mo? Na akala mo lang gel sya? Na eto na pala ang kaparusahan ng lahat ng pang-aabuso mo sa pagkain ng kanin?

Haaaay. pero pinaganda nya ang buhok ko...nagmamahal, hand sanitizer.

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...