Skip to main content

Smells like Happiness

Mahirap maging masaya kung yung puso mo eh luhaan..tipong, napaso ka na ng mantika, tatawa ka pa din kasi masarap naman yung naluto mo. Ang gulo diba?

Minsan hindi ko alam saan ako nakakakuha ng kaabnormalan para lang makapagpatawa, makapang asar ng friends at tumawa sa sarili kong jokes. Mas madalas ko na ngang maisip na me regalong kabaliwan talaga sakin si Lord kaya ako ganto.

At minsan,nakakamangha na kahit pala ang miserable akong tao, may mga tao na makapagpasaya sayo ng di mo ineexpect. May kasamang kilig chaka mga pick up lines.

*flight of ideas na naman*

Naging saksi na ng pagka inlab at pag mmove on ko 'tong site na to, kaya minsan natutuwa ako mag back read sa mga nasulat ko na before kasi kadalasan, nakalimutan ko na yung naganap na yun sa life ko at madalas, andami nang nagbago. Tao. at feeeeelings!

So ngayon...me nagbago. yung state of well-being ko.charot! I just don't know what happened, I felt lighter. I felt like my old self again and! I feel like I don't need the drama I was in before at this point in my life.

My main focus now is to achieve what I planned to get when I came back and! be a better version of myself. Yung una mas madali makuha kesa yung latter. :p pero proud padin ako sa sarili ko dun.

My laugh sounded the way it did before I went to SG. My smile became brighter just like the way it did before I left my previous job. And thank heavens, I gained more friends along the way to healing.

Naging english bigla. Mas masaya na ako ngayon kesa nung mga nakaraang linggo. May lungkot padin pero hindi na ako nalulungkot dahil wala na sya sa buhay ko. Nalulungkot na lang ako sa tuwing naiisip kong hindi sya ok. Or baka ako lang nag iisip nun?

Masaya ako dahil may trabaho akong nakakaleche paminsan sa hirap, na di ko maintindihan paano ako napunta sa field ng recruitment eh galing akong BPO? anyare teh? at nakakilala ako ng mga taong di ko naisip na makikila ko pala. Tapos magkakaron ka pa ng kras na director. tengene! olrayt diba.

At may dumating na nakikisabay sa mga banat ko, sa mga knock knock ko at sa mga kadaldalan kong tungkol sa kung ano ano. Di ko lang inexpect na may ganon pala..yung akala mong di nakikihalubilo sa kagaya kong dukha, me sayad din pala kagaya ko. such humble people.:)

Kaya smells happiness yung title, kasi ngayon ko lang napag desisyunan na bumili ng perfume sa buong buhay ko. Ewan ko ba. anong naisipan ko. pero masaya naman ako na bibili ako..kahit alam kong ang weird na bibili ako. ang gulo no?

Dahil masaya ako masyado sa life, nagkaka eyebags ako ng malaki. sleep is for the week.haaaaay. maygaaaad.

Yun lang..ang gulo ko padin till now.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...