Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2016

Better than Fountain of Youth

A lot of people have been very obsessed looking for the thing called elixir of life! The fountain of youth! to become immortal like Brad Pitt and Tom Cruise..char! Aside from becoming a vampire..I know a better way to become immortal..and that's not even according to me! Napulot ko lang kaninang umaga.. Sabi eh, "if a writer loves you, you're forever immortalized.." Tama naman diba? Isipin mo na lang ang dashing na si Mr. Fitzwilliam Darcy. He's forever in the hearts of many avid romance readers, because his character was immortalized by kumareng Jane Austen. Ganun ang love ng writer..undying!walang katapusan! in short, MAY FOREVER!! ayun na ang pinakamagandang advice sa mga di naniniwala a forever, yung mga humahanash na lifetime. mga kaartehan nyo, hinayupak, pareho lang yun ayon sa kontekstong trip nyong paggamitan!wag na tayo mag ululan. oops! too much intensity.haha Anyway, gateway na maraming gays..personally, I feel like loving a writer makes a s...

Jessy Mendiola again

Sa bansang puno ng grammar-nazzi, fashion pulis, at mga jejemon,may mga nilalang na walang habas na matindi ang fighting spirit, pag nagkakamali sa pagsasalita ng wikang Ingles.  Di ko naman kakampihan si Jessy Mendiola dito, pero ang masasabi ko lang NAPAKA SELF-RIGHTEOUS nyong lahat, kingina nyo!! Akala nyo sino kayong magagaling mag English. Ni hindi nga kayo magaling managalog, kung makalait kayo ng mga nagkakamali sa english akala nyo pwede na kayong alayan ng itlog at biko sa galing mag english! Punyeta! Sino bang hindi mauutal pag sinabihan kang maganda ng date mong bet na bet mo? Mga hinayupak! Hindi naman ako galit..Ayoko lang talaga yung mga nagiging kaugalian ng mga ka-earthlings natin na akala mo perpekto at gagawan pa ng memes. Oo, nakakatawa, pero eto na ba yung dapat ipamana sa susunod na henerasyon natin? yung tawanan yung mga taong di makasagot ng direcho english? Mga mas malalansa pa kayo sa isda! Sabi ni Ingrid Bengis, "words are a form of action, ...

From Truth to Fashion

Bilang nalipasan na ako ng antok kakapindot ng letters dito..lubusin ko na ibuhos lahat ng kaartehan at gulo ng utak ko!.:) “when forced to pick from the truth and legend, print the legend” -John ford Minsan di ko magets anong trip ng tao..lalo na sa tv..lahat ng tao naghahangad malaman ang katotohanan, lahat ng istasyon ng telebesiyon nangangako na maghahatid ng balitang totoo. Pero pag hinarapan mo ng katotohanan ang tao, hindi benta sa kanila. Sa panahon ngayon, ang katotohanan ang sinusuka, hindi realidad ng buhay ang gusto laklakan, kundi puro nagniningning na kasinungalingan at mga namumukadkad na ideyolohiyang malayo sa katotohanan. Pero related sa quote sa taas na nakuha ko sa isang blog ni Lourd De Veyra, totoo nga to sa industiya ng telebisyon.Kung ano yung sikat, kung ano ang nalalaman ng tao na sa tingin (na naimpluwensyahang isipin) na tama, ayun ang patok..ayun ang nagiging bersyon ng makabagong ‘katotohanan’. Parang pagbabalita ng ABS-CBN, sa isang mensahe ni P...

FHM at si Jessy Mendiola

Hindi ko na matandaan anong edad ako namulat sa mundo ng tabloid,tulad ng Tiktik, Bomba, Boso, at kung ano ano pa. Hindi ko na din matandaan kung ano nga ba ang interpretasyon ko sa mga malalaswang litrato ng kababaihan, na halos walang saplot na nagpapapikchur at nagppose na akala mo eh ikababawas ng nagugutom sa Africa. Ang alam ko lang eh ginagawa lang ito ng mga mababaeng malalaki ang boobs,mapuputi, at halos wala nang buhok sa katawan (wag isasama ang ulo syempre).   Hindi ko na mabibilang sa mga daliri ko, kamay at paa, ang mga babaeng pumayag na mag pose para sa isanlibo't isang tabloid at kung saan saan pa.. At! hindi ko din sure kung ilan sa kanila ang sinadyang ipaayos ang kanilang ichura para lang maging 'qualified' mag pose sa ibat ibang peryodiko at magasin.  Ano bang problema ko, bakit ko biglang naisipan tong topic na to? Naalala ko kasi si Jessy Mendiola. Oo. hot nya diba? Kras ko sya dati..(hindi po ako shiberbeley) nung hindi pa sya nagpapakita...

Days and Nights

What I've promised myself can be delayed, sino lang ba lolokohin at paaasahin ko, sarili ko lang din. Ano nga ba yung promise ko sa sarili ko? Magsulat ng masasayang bagay. Pero everytime na haharap naman ako sa laptop, puro sad thoughts and memories naiisip ko. Recently, I was haunted by super childhood fragmented memories. I said fragmented because these are memories of my father and I. I think I have never written something about him, since I really dont know him and I dont have happy memories with him aside from glimpses and very vague things about him. I know how he looks, before..I know the sound of his voice..or are these just my imagination? Image of what I thought he is..was. One day, I went home from work, doing the normal things I do, I eat, read a bit of news or a few pages of my numerous book, browse through on all my social media accounts, contemplate on what things I want to do with my life, which are just blueprints that I cant even start working on and s...

Brain Struggles

Weekend na naman..weekend na naman na wala ako sa huwisyo umalis at pumunta kung saan. Yung panahon na ayoko muna makakita ng kakilala. Minsan iniisip ko kung normal ba talaga na maramdaman 'to o sadyang may sayad lang ako.. Nag back read ako ng mga previous posts ko, ok naman yung progress ng healing process ko...pero ngayon di ko alam.Ibang dimension na naman ng sadness nararamdaman ko, di ko alam kung kelangan ko pa ba i post lahat ng yun, kasi parang ako mismo napapangitan na puro sad posts na lang nailalagay ko. A question popped into my head,am i really happy? I would say yes, with all the blessings I have right now. But I guess the loneliness I have is something innate already that I want to shut myself from the world,  to just regain all the energy I spent during the last few weeks. Saan ba ako pupunta ngayong weekend na gusto ko na naman mapag isa? Di ko gets bakit di pa ako nasanay sa sariling ganto naman lagi halos every month.. I need my alone time and I need a...