Skip to main content

Brain Struggles

Weekend na naman..weekend na naman na wala ako sa huwisyo umalis at pumunta kung saan. Yung panahon na ayoko muna makakita ng kakilala. Minsan iniisip ko kung normal ba talaga na maramdaman 'to o sadyang may sayad lang ako..

Nag back read ako ng mga previous posts ko, ok naman yung progress ng healing process ko...pero ngayon di ko alam.Ibang dimension na naman ng sadness nararamdaman ko, di ko alam kung kelangan ko pa ba i post lahat ng yun, kasi parang ako mismo napapangitan na puro sad posts na lang nailalagay ko. A question popped into my head,am i really happy? I would say yes, with all the blessings I have right now. But I guess the loneliness I have is something innate already that I want to shut myself from the world,  to just regain all the energy I spent during the last few weeks.

Saan ba ako pupunta ngayong weekend na gusto ko na naman mapag isa? Di ko gets bakit di pa ako nasanay sa sariling ganto naman lagi halos every month.. I need my alone time and I need a breath of fresh air (kahit puro pollution naman talaga dito sa kamaynilaan) from this cruel world.

I've always have doubts in my personal strengths,it takes a lot of convincing for myself to believe that I can do something on my own. And it takes a good gallon of alcohol just to make me smile and tell myself that I can conquer the world for another week!

Pero ngayon, burger,beer at shawarma lang ang gusto kong intake to make me feel sane again! wooohoooo! at miraculously, gusto ko ng music. It's not something I do when stressed,listening to music? No. it's more on my mood booster before I go to work, but not a day ender. 

Yung flight of ideas ko sa post kong to matindi. hahaha. alam ko na bakit yung thoughts ko ganto! di na ako masyado nakakabasa ng motivational books! kelangan ko nun..Imma find one..

Finish na to. I'll catch up reading nga pala this weekend. I already wasted a day sleeping sooooo,I'll make the most of my Sunday.

Ang lastly,I promise myself to post something happy and witty again the next time I go back here. Gotta go back to writing and!! I have to start reviewing for NCLEX, which I'm planning to take next year. Big dreams! kelangan pangatawanan!woooooh!

Amen!

Comments

Anonymous said…
Ok...
https://soundcloud.com/starman89/ok-today

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...