Skip to main content

FHM at si Jessy Mendiola

Hindi ko na matandaan anong edad ako namulat sa mundo ng tabloid,tulad ng Tiktik, Bomba, Boso, at kung ano ano pa. Hindi ko na din matandaan kung ano nga ba ang interpretasyon ko sa mga malalaswang litrato ng kababaihan, na halos walang saplot na nagpapapikchur at nagppose na akala mo eh ikababawas ng nagugutom sa Africa. Ang alam ko lang eh ginagawa lang ito ng mga mababaeng malalaki ang boobs,mapuputi, at halos wala nang buhok sa katawan (wag isasama ang ulo syempre).  

Hindi ko na mabibilang sa mga daliri ko, kamay at paa, ang mga babaeng pumayag na mag pose para sa isanlibo't isang tabloid at kung saan saan pa.. At! hindi ko din sure kung ilan sa kanila ang sinadyang ipaayos ang kanilang ichura para lang maging 'qualified' mag pose sa ibat ibang peryodiko at magasin. 

Ano bang problema ko, bakit ko biglang naisipan tong topic na to?

Naalala ko kasi si Jessy Mendiola. Oo. hot nya diba? Kras ko sya dati..(hindi po ako shiberbeley) nung hindi pa sya nagpapakita ng katawan sa madlang Pilipinas, at hindi pa sya nananalong sexiest woman alive, na ginawad sa  kanya ng FHM Philippines. Naisip ko kasi,kelan pa nagsimula na maging privilege ng isang babae ang mag pose sa mga men's magazine o kung saan man? Kailan pa naging 'honor' ng isang babae ang pagpantasyahan ng mga lalake? Aba, para kang naging object of carnal desire ng libo libong lalake (at babae na din siguro)! Isa na ba tong lehitimong paraan para sumikat? Bakit???Juskolorde, anak ng sampung libong bituin na sumasabog sa langit! Bakit naging ganto na ang sistema, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. 

Baka sabihin ng iba, ART. sa ngalan ng art, pukingina, mag ppose ka na walang saplot, tatakpan mo ang bubelya at garden of Aling Patring ng dahon at kakagat ka sa bolpen. Nasaan banda ang art dito? Ah! kasi sabi ng mga artists, ang katawan ng babae ay isang likhang sining, masterpiece kumbaga. Pero anak ng dalawang kilong kamatis, kung ilalagay mo sa mga glossy pages at sasamahan mo nang artikulo tungkol sa sex, art pa ba to??? Di ko gets. Ang hirap arukin ng mangmang kong kaisipan!

Oo, madaming mga paintings na nagpapakita ng katawan ng babae,pero saang parte ng kasaysayan at modyul ng sining ang nagsabing gamitin ang katawan ng babae para magbenta ng glossy na papel at ipagkalat sa madlang sambayanan na ang gustong posisyon ni ate ret ay dog style o kaya pag Wednesday eh missionary? Ang sa akin lang, parang wala na tong pinagkaiba sa pagbebenta ng aktwal na laman, dahil ano bang gamit ng men's magazine? hindi naman to ginagamit ng mga kalalakihan para makipagtalastasan sa isa't isa, at gawing tampok sa kanilang usapan kung ano ang metaporang ang nasa likod ng pose ng babae, diba? 

Isa pa, anong pinaglalaban ni Jessy Mendiola, bakit nakikipagbalitaktakan pa sya sa mga bashers na wala syang pake dahil proud at masaya lang sya na sya ang sexiest woman alive???Sige nga, anong point???dahil nasasaktan sya, umiyak pa syaaaa! ano bang nagaganap sa mundo. Para akong mawawalan ng matres. May problema ba ako ke Jessy Mendiola? Wala naman,kras ko padin sya..dati na lang pala.:p 

Sige, sabihin na natin na if you have it flaunt it..pero bilang ako'y peminista (kunyare) na ayaw kong nayuyurakan ang dignidad ng kababaihan, wish ko na sana, sana lang..maiba ang paniniwala ng tao..na ang magppose sa Playboy o sa FHM ay hindi isang batayan para masabing maganda ang isang babae. Sana hindi maging sukatan ng pagkatao at kagandahan ang pagkakaron ng makurbang katawan, malasutlang kutis, mapupulang labi at malulusog na hinaharap. Sana hindi na rin, bawasan ng media ang pag aadvertise ng mga produktong nagsasabing ang maganda lang na kutis ay maputi, dahil, ang gandang Pilipina, kayumanggi ang balat, na hindi dapat kinakahiya. Wish ko din, sana hindi na ipagkanulo ng mamamayang pilipino,na ang pagiging mataba ay synonymous sa kapangitan. Kung magpapapayat man tayo, para sa kalusugan hindi para sa aestetikong dahilan, o dahil ito ang dikta ng lipunan. 

Ang nakakalungkot lang isipin, na hindi ko magagawang sabihin o idikta rin sa mga tao na ang tama ay ganto, ganyan, keme keme, dahil ito ang nararapat, kundi dahil ito ay bersyon ko ng tama. Iba iba naman tayo eh, ika nga sa identifying problem sa Community...hindi mo kailanman matutulungan ang isang tao sa kanyang problema,kung sya mismo hindi naman nya nakikita na may problema sya. Kaya gagamitin ko na lang ang linya ni Daniel Padilla..shatap na lang ako.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...