Sa bansang puno ng grammar-nazzi, fashion pulis, at mga jejemon,may mga nilalang na walang habas na matindi ang fighting spirit, pag nagkakamali sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Di ko naman kakampihan si Jessy Mendiola dito, pero ang masasabi ko lang NAPAKA SELF-RIGHTEOUS nyong lahat, kingina nyo!! Akala nyo sino kayong magagaling mag English. Ni hindi nga kayo magaling managalog, kung makalait kayo ng mga nagkakamali sa english akala nyo pwede na kayong alayan ng itlog at biko sa galing mag english!
Punyeta! Sino bang hindi mauutal pag sinabihan kang maganda ng date mong bet na bet mo? Mga hinayupak!
Hindi naman ako galit..Ayoko lang talaga yung mga nagiging kaugalian ng mga ka-earthlings natin na akala mo perpekto at gagawan pa ng memes. Oo, nakakatawa, pero eto na ba yung dapat ipamana sa susunod na henerasyon natin? yung tawanan yung mga taong di makasagot ng direcho english? Mga mas malalansa pa kayo sa isda!
Sabi ni Ingrid Bengis, "words are a form of action, capable of influencing change". Ayan na nga, change is coming. Lahat na lang nag magkakamali sa social media, hahamakan mula ulo hanggang kaluluwa. Kulang na lang pati split ends eh laitin na. Walang masama na punahin ito, public figure sya, so dapat maayos sya..pero juskolorde anak ng bakang kumain ng kamatis, pag nagkamali, isahan lang, wag na yung irrub mo pa sa pagmumuka ng tao na tanga sya sa Ingles. Ano ba to kontes? pagalingan, sino maunang magkamali sa mga artista. Ganto lang talaga point ko, public figures dapat yung pwede gayahin ng mga gullible na madla, pero pota ultimo sila sila, naglalaitan, nagtatawanan sa kagagahan ng isat isa eh, so ayun yung gagayahin ng madlang gullible. Kita mo epekto ng social media? Ibang level! nakakalusaw ng utak!Kumakain ng normal brain cells yang mga yan.
Inuulit ko, hindi ko pinagtatanggol si Jessy Mendiola. Naisip ko lang, kung hindi naman sa kanya nangyare yun, magsusulat padin ako ng ganto, kasi para syang mockingjay! simbolo ng kamangmangan ng marami, na hindi naman kasalanan ng ibang Pilipino, dahil walang pang aral.. (although sya oo, kasi andami nyang oras at pera malinang naman kahit papano yung kokote nya).
Sana lang sa mundong ito na mapanghusga, utak shit ng talangka, at akala mo sinong nililok ng mga magigiting na iskultor yung mga dila kung makapang lait.. Sana lang talaga eh merong kayong karapatan. Dahil kung wala, mabulok na lang sana yang mga utak nyo sa kumukulong taba ng nag gym na majubis para di na kayo mabuhay bukas.
Galit ba ako?Hindi masyado..hahaha.
Nabbwisit ba ako? Medyo.
Magaling ba ako mag english? hindi rin.:p
Pero alam ko kung ano ang tama at Vice Ganda..oopps! isunod natin yang nilalang na yan...
Comments