Skip to main content

From Truth to Fashion

Bilang nalipasan na ako ng antok kakapindot ng letters dito..lubusin ko na ibuhos lahat ng kaartehan at gulo ng utak ko!.:)

“when forced to pick from the truth and legend, print the legend” -John ford

Minsan di ko magets anong trip ng tao..lalo na sa tv..lahat ng tao naghahangad malaman ang katotohanan, lahat ng istasyon ng telebesiyon nangangako na maghahatid ng balitang totoo. Pero pag hinarapan mo ng katotohanan ang tao, hindi benta sa kanila. Sa panahon ngayon, ang katotohanan ang sinusuka, hindi realidad ng buhay ang gusto laklakan, kundi puro nagniningning na kasinungalingan at mga namumukadkad na ideyolohiyang malayo sa katotohanan.
Pero related sa quote sa taas na nakuha ko sa isang blog ni Lourd De Veyra, totoo nga to sa industiya ng telebisyon.Kung ano yung sikat, kung ano ang nalalaman ng tao na sa tingin (na naimpluwensyahang isipin) na tama, ayun ang patok..ayun ang nagiging bersyon ng makabagong ‘katotohanan’. Parang pagbabalita ng ABS-CBN, sa isang mensahe ni PDuterte. Hindi ko na iispecify ano yung mga kataga, di ako sure eh, pero ang siste, sa buong pangungusap na sinabi, eh mga 3tatlong salita lang ang inere sa telebisyon, na nakapaghahatid ng ibang konotasyon para sa madaming tao. Get mo? Kalimitan, hindi na pareho ang katotohanan, sa kwentong tv.


Ang dikta ng tinatawag na fashion sa ating mundong ginagalawan!!

Sa makabagong mundo ng fashion..ang tinuturing na fashionable ay tanging mga uso lamang, pag wala sa uso yung trip mong kombinasyon ng kulay o kaya ng pantalon at cropped top..baduy, jologs, at walang alam sa mundo ng fashion, chararat. Sa mundo ng mapanghusgang lipunan ng social media, lalung lalo na FB, mahirap mag express ng sarili kung ang alam lang ng tao ay pumuna ng mga bagay na salungat sa kanyang bersyon ng katotohanan at paniniwala. Paano nga ba naging mapanghusga ang tao? Dati naman eh hindi ganto katalamak ang mga utak electricfan (me utak ba yung bentilador?ask yourself.), simple lang, kasi dati,may sustansya pa ang laman ng telebisyon, at wala pang FB. Ang hirap murahin ng teknolohiya eh, kasi di naman kasalanan ng aktwal na app na FB at telebisyon, dahil catalyst lang sila ng mga kapararakan ng utak ng tao. Nalason na yung utak ng tao, dahil sa kagagawan din ng ibang tao. Yeth, napapalayo tayo sa topic na fashion..(naalala ko si ermitanyo, tuwing nadidiskaril yung thoughts ko pinapahinto nya ako mag-isip, tas ipapaalala nyang bumalik ako sa original topic. Kung sino si ermitanyo, saka na natin pag usapan) So nasan ang problema? Feeling ko eh may bug na kelangan i tweak o dapat kelangan gamitin ng anti-virus eh..Pero hindi pala!! Bigla kong naisip ang konsepto ng virus at anti-virus. Sa usaping to, ang chika, ang gumagawa ng virus sa mga computer at ang mga nagbebenta ng anti-virus. bakit? kasi hindi naman magkakaron ng supply kung walang demand. Kelangan magkaron ng virus, para maramdaman ng tao na kelangan nya bumili ng anti-virus. Simpleng business tactic. Parang sa paglalason ng media sa pag iisip ng tao. Halimbawa, noong unang panahon, ok na sa mga tao ang gumamit ng walang brand na sapatos. Ngunit!! naisip ng mga nagmamagandang utak biya eh magiging ganap na fashionista lamang ang mga tao, kung ang isusuot lang nilang sapatos ay airmax 1 Bespoke. Ang iisipin ng mga taga subaybay, ang tanging magandang sapatos lang at airmax 1 Bespoke. Ito yung logic kanina, gumawa yung mga artista ng anti-virus (airmax1), dahil binigyan nila ng virus (ideya na ang magandang sapatos lamang ay airmax1) ang mga tao. Simple. kung mawawala yung ideyang ang magandang sapatos lang ay airmax1, mawawala ang distribusyon ng airmax 1 na napakamahal, pukingina. Isa ding related na topic, may naging shotabels ako na adik sa mamahaling sapatos, pag namamasyal kami eh, nagtitinginan yung mga lalake ng mga sapatos ng isat isa. Parang nagiging batayan na to ng estado sa lipunan pag naka Jordan 1 BREDS ka eh elite ka ganon. Kelan pa nangusap ang sapatos na mabait at responsable ang isang tao?  At kelan pa naging maganda sa maitim ang kulay yellow na damit? Kaya maraming anti-virus na hindi naman dapat kelangan ng tao, dahil me lason na unti unting kumakain sa utak ng tao. 

Sa totoong buhay, nararanasan ko sa araw-araw na me mga matang nagmamachag! mga fashion police. Dahil masyadong mainstream mga suot nila, alam ko na yung mga ibig sabihin ng nangungusap nilang mga mata. Ganun na ba ang self-expression ngayon? nagbabago depende sa uso? depende sa nakikita sa tv, sa billboards? Ok. 

Aminado na ako ngayon, nagpapa impokrita ako dahil ang puntirya ko eh yung self-expression na ng iba. Pero, naisip ko lang naman, kung self-expression kasi diba, iisa lang yun? ikaw lang ganon. unique sayo. 

Pero sige, titigil na ako. baka bukas, ma-ipa salvage na ako ng di ko nalalaman dahil sa mga sinasabi ko.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...