Skip to main content

Kanin is Life

When I can't pull off a goddamn entry that'll entertain me when I read it after a week from writing it, I just want to give up on life and be one of the sweat beads my crush wipes on his 6-pack abs...

Kidding. Baka magalit si bebe laflaf!

Katanungan: May Pilipino bang naitala sa kasaysayan na nagsabing hindi masarap ang kanin?

disclaimer: hindi ito pangungutya sa mga health conscious at mga nag aadik mag diet para magka beach body.. dahil isa ako sa kanila, minsan sa buhay ko. Ito ay pawang kathang isip, ilusyon, at mga jokes na hindi marapat seryosohin ng mga indio!:p

Hindi ko kayang ipaliwanag katulad ng mga sayantipikong nilalang kung paano naging magkakaiba ang metabolism ng tao. May mga swerteng ugatpak na kahit kumain ata ng dinosaur, hindi tataba. At mayroon naman na kahit isang butil na nga lang ng bigas, at isang basong tubig ang nakokonsumo sa isang araw, eh hindi parin maka alpas sa nagmumurang OVERWEIGHT nilang bmi. Saklap diba?

Ayon sa aking pananaliksik, isa ang common na solusyon! mag work out! Para sa una, ay muscle building daw and toning..yung pangalawa syempre obvious na yun friends! weight loss.

Pero hindi yan ang gusto kong topic, ang gusto ko talaga eh kanin! Kanin. yung puti, ayoko ng brown, red, black, pink, blue, violet, at kung ano pang kulay na available sa roygbiv. Puting kanin! hitik sa carbohydrates! samahan mo pa ng spaghetti at pancit, hotdog, bbq, at buko pandan. Ayan ang staple handa sa mga birthday. Carbo overload.

Normal kumain...normal kumain ng naayon sa appetite, gutom ka eh. Masarap kumain. Ngunit!!! bakit may tinatawag na balanced diet? Bakit may sinasabing tamang pagkain na ayon sa pangangailangan lamang ng iyong katawan. Ang sakin lang, hindi ba sapat ang pagkain mo pag busog ka na. May natural kang mararamdaman na ayaw na, di na kaya ng sistema mong tumanggap pa ng pagkain, so anong karapatan ng kahit sino magdikta na ang tamang pagkain sa isang meal ay isa tasa ng kanin na brown, dalawang tipak ng karneng walang lasa at isang platito ng gulay na na dehydrate, kakahango sa pagpapakulo. Anlasa nyaaaaan.

Bilang alagad ng siyensya, tinuro sa amin sa Nutriotion subject, (na ang alam ko lang eh nagluto kami ng kung ano ano, na di ko din naman maiisip na masarap). Alam kong ang mga ito ay ayon sa computation ng mga di ko n maalalang bagay, calories, daily caloric needs ng tao para mag function ng normal at hindi parang may energy gap!

Pero mabalik sa tanong ko, meron nga bang nagsabi na hindi masarap ang kanin? SINO!??!?!ipapatira ko yan sa mga kababayan nating galit sa nagddiet! :p Nagsurvey ako sa mga katrabaho ko, kung meron silang kilala na ayaw sa kanin, maliban sa mga nagddiet, dahil alam nating niloloko lang nila ang kanilang mga sarili, dahil alam nating lahat na kanin is life!

So far, wala pa naman akong nakarinigan na mayroong alien na namamalagi sa ating planeta na hindi kumakain ng kanin! Dahil ultimo yung kras kong couple na si mk at patty eh nakain ng kanin!! :p

Wala naman ako pinaglalaban. Gugutom lang ako, kasi di ako makakain ng kanin, dahil me beach-in ako sa weekend, yung chan ko parang nasobrahan sa vetsin eh. hayst. wag na lang mag swimming beshie! inom na alng natin yan! :p


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...