"I love you."
Ang sabi nya sa akin kahit na ilang buwan pa lang kami magkakilala.
"Mahal na mahal kita."
Sinasabi nya sa akin sa tuwing nag aaway kami sa napakaliit na bagay.
"Di ko kayang mawala ka."
Ang kanya laging sinasambit sa tuwing pinupuna ko ang mga bagay na hindi ko ninais makita.
"Hindi ko na kaya..."
Ang tanging sagot na kayang bigkasin ng aking bibig..yumuko, humakbang palayo.
Masakit makasakit ng iba..lalo na ng taong alam mong minamahal ka. Masakit makita na nasasaktan ang taong walang alam gawin kundi mahalin at suyuin ka. Paano nga ba wawakasan ang mga salitang binatawan na,"Mahal din kita"?
Saan nga ba pwedeng humugot ng lakas para masambit ang mga salitang "Ayoko na"?
Isang araw, habang nagkkwento sya ng hindi ko alam na kaganapan, walang salita ang pumasok sa isipan..nagsusumigaw lang ang aking utak na "itigil mo na, wag mo na sya pahirapan". Pumatak ang mga luha, tumigil sya magsalita.
"Bakit ka umiiyak?" hinawakan nya ang aking mga kamay, inilapat ang mga labi sa aking mga daliri at sinabing "Huwag ka nang umiyak, mahal padin kita kahit hindi mo ako mahal."
Nakita ko sa kanyang mga mata na kahit anong gawin ko,ako padin ang mamahalin nya.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na naidudulot ko sa kanya..ang ngiti na namumutawi sa bibig, ng pusong sawi.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang mga alaala na binuo namin magkasama. Ang mga alaalang masasaya na ngayo'y binahiran na ng kalungkutan.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang mga panahon na sinubukan kong mahalin sya, mahalin kung anong meron kami, na di ko naranasan sa iba.
Nakita ko sa kanyang mga mata dahilan kung bakit mas pinili kong mag-isa, kaysa ipilit pa na kaya kong syang mahalin ng pang matagalan.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang mga ningning ng luha, na kumikislap habang sinasambit mo ang mga salitang, "pinapalaya na kita..."
Nakita ko sa kanyang mga mata na masakit palang hagkan ang isang taong mahalaga, ngunit iiwan mo lang din pala..
Nakita ko sa kanyang mga mata kung gaano kabusilak ang pag-ibig nya, pero sa kanya ring mga mata, natagpuan ko ang katotohanan na kahit anong gawin nya, hindi ko parin sya kayang mahalin tulad ng kaya nya...
Nilisan ko at kinalimutan ang kanyang mga matang puno ng pag-ibig at pagdurusa. Masakit isipin nang dahil sa pagmamahal nya sakin, naranasan nyang mag isa. Lumipas ang mga taon naubos na din ang mga luha..pinalitan ng saya..Ngunit bakit pakiwari ko'y hindi maligaya ang puso ko simula nung nawala sya?
Hinanap ko sya, malayo't nakakapanghina. At isang araw, sa gitna ng pagsasaya sa parke, nasa harap ko na sya, may hawak na mga lobo at sa kanyang mga mata, nakita ko na sya ay lubos na masaya. Nakatingin sya sa babaeng nasa ilalim ng puno ng mangga; nakasuot ng bestidang lila, sumasayaw sa huni ng mga maya, ikinakampay ang maliit na mga kamay ng batang humahagikgik, sa hanging tila nagsusumigaw din sa aking mga tenga.."ito ay wakas na".

Comments