Skip to main content

ANG HIRAP MAGHANAP NG TRABAHO

Talagang capslock yang title para intense! I don't know how to reiterate and emphasize it more, ANG HIRAP MAWALAN AT MAGHANAP NG TRABAHO SA PILIPINAS.

Unang una, magastos.

Pag naghanap ka ng kumpanya na pwede bang maging pangalawang bahay, dahil sa erkon, hindi naman pwedeng nasa bahay ka lang. Ano irerequest skype interview na lang? Tatahakin mo ang mabangis na EDSA, well depende pala sa location.Mamasahe ka pa, mainit. Magugutom ka, wala ng mura sa Pilipinas, well may 5 petot pa naman na kanina,libre sabaw. Pero sino bang ganon lang ang kakainin? Sabaw din maisasagot mo sa interview nyan. Dagdag gastos pa pag hindi sureball yung inapplayan mo, kasi pag hindi sure..repeat chorus tayo, mas magastos! Pak ganern!

Pangalawa, magastos padin.

Mataposmong suungin ang pakikipagdigma sa mga interviewer at malagpasan ang unos sa pang papakaintelektwal sa mga sagot mo, panibagong yugot na naman ng challenges to. Kelangan mo pa kumuha NBI o police clearance o mga anek na kelangan mong kunin bago ka magsimula mag trabaho. Minsan, kung sswertehin ka, ang medical ay hindi bayad ng kumpanyang inaplayan mo. Babayad ka pa,syempre pag ginagawa mo tong stage na to, mamasahe ka na naman, kakain ka na naman, papa erkon ka sa mcdo. Kelangan magara din ng konti kasuotan mo, mainit eh.

Pangatlo, magastos talaga.

Hindi lang naman sarili mo ang pinagkakagastusan mo, may pamilya ka, may bills kang binabayaran, may aso kang pnapagroom. Kung susumahin natin, ang mga nagastos mo bago ka sumweldo sa bago mong trabaho, abonado ka pa. Deputa.

Well, sa totoo lang nag tthink out loud lang ako dito, may plano na akong umalis sa kumpanyang tntigilan ko ngayon..dahil sa madaming dahilan. Sangkatutak. Tangina. Ibang level. Hindi ako genius para hindi maarok na may sapak ang sangkatauhan sa mundong yun. Anyway, bago pa ako magrant ng mga bagay about sa werk ko,ituloy na lang natin ang dilemma ko dahil maghahanap na ako ng bagong work.

Bilang ang huli kong trabaho ay recruiter. Madami akong natutunan paano humanap ng trabaho. May ilan kang dapat isa alang alang, hindi na ubra yung mantra ko dati na kung saan ang makapasa dun na ako. Hindi. Bilang nagttrabaho na ako ng ilang taon..parang pag-ibig na to..know your worth. Ibebenta mo sarili mo sa mga kumpanya, dapat alam mo magkano ka at alam anong kaya mong ioffer sa kanila. Location. hindi dapat malayo sa tinitirhan mo, traffic? pagod mo pa. pwera kung ok lang sayo na taga Batangas ka, balikan Ortigas ganon. Sugo ka ni Mercury kung ganon. Salary. Sinama ko to, kasi dati hindi to deal breaker para sakin. Ang pera sakin, papel lang, walang halaga..pero pag tumatanda ka pala, nagkakahalaga, kasi gusto ko nga bumili ng bahay eh. hindi pwedeng mas bababa sa current kong sahod ang susunod kong salary rate. Kumpanya, little to no difference din to sakin dati.. Lahat naman ng kumpanya, unique..madaming good things and bad things.. Pero natutunan kong kelangan i konsidera ang stability ng kumpanyang papasukan mo. Baka sa makalawa eh mawala ka na lang ng trabaho,bankcrupt na pala sila. At huli ang nature ng business ng kumpanyang gusto mo pasukan.. Malamang di ka naman pwede maging IT technician kung ang experience mo ay HR diba? dapat don sa passion mo talaga, kasi gusto ko sundin yung motto na "if you love your job, you'll never work a single day" at ang "find a job wherein you don't need a vacation from". ganyang level! :)

Naiba na yung linyahan ko..Pero ang worry ko lang talaga, di pa ako makahanap ng swak sa mga criteria na sinabi ko eh. Ipagtitirik ko na nga to ng kandila. Yung green para swerte.


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...