Lahat o di kaya'y nakararami sa mga Kristyano ay alam ang ritwal na hihiling ka, o para medyo banal ang datingan, sabi ng iba ay mag aalay ka ng dasal patungkol sa hinahangad ng puso mo, sa simbahan na unang beses mo palang mabibisita at ito'y magkakatotoo. Hindi ko alam saan nanggaling tong biz na to pero syempre, bilang nagsisimba ako at kinwento ito ng nanay kong mala-Wikipedia ang kaalaman, hindi ako nagtanong at nagwwish ako sa mga simbahan..Nagkatotoo ba yung mga wish ko? Hindi ko maalala..Isa lang naman lang din naman ang paniniwala ko tungkol sa mga wish,tulad ng pananampalataya, placebo effect ng mga gamot...nasa paniniwala lang natin yan. Ganun naman ka makapangyarihan yung biniyaya sa ating utak diba? Pag pinaniwalaan mo, magkakatotoo. Walang imposible. Pero depende siguro. Depende sa wish.
Nung nakaraang Holy week ko lang nasubukan mag Visita Iglesia. Oo na, i judge mo na ako, makasalanan akong nilalang! wala akong kwentang kristyano! Pero mas mabait naman ako sayo at sa mga pulitikong walang habas na pumapatay ng tao. :p
Ayun nga, dun ko lang nalamn paano mechanics nun. Bibisita ka sa pitong simbahan, syempre magdadasal ka...at sa panahon ngayon, kukuha kang selpi sa harap ng simbahan, sa me bungad, background ang altar, sa gilid kasama ng mga santo, sa gilid, habang nagtitirik ng kandila, sa gilid habang kunyare nagdadasal,stolen. Bilang kasaping mga impokrita sa mundong ibabaw, eto mga pikchurs na nakunan ko..wala ako dyan, kasi masisira yung ganda ng arkitektura at aestetiko ng larawan!
The Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned - sa may Santa Elena, Marikina
Ayon sa chika ng wikipedia, 1690 pa 'to ginawa, dumaan and madaming digmaan, madami din itong natamong sugat at pighatid, pero dahil mayaman tayo (charot),ni restore sya ng bandang 1957.
Syempre hindi ako yan..Kapatid ko yan. Adorable isn't she?
Ganyan lang talaga ako magpikchur, puro pisngi nung simbahan. Wag ka na magulat sa mga susunod na pikchurs..
Mainit sa labas, nakakagutom. Ansarap bumyahe pag kasama si Inang reyna.. me pabaon! :p
Sto.Domingo Church o National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila
Ayon sa chika, ito ang pinakamalaking simbahan sa buong kalakhang Maynila at isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Asya. Iba rin! :)
Yung susunod naman, hindi ko ma explain ang phenomena na naganap! Parang binulungan ako nung simbahan na "dito ka magpapakasal". me multo siguro..i hear dead people ang arrive. Pero napaka ganda ng interior nya at ito ang kaisa-isang church metal sa Asya.
Yung susunod naman, hindi ko ma explain ang phenomena na naganap! Parang binulungan ako nung simbahan na "dito ka magpapakasal". me multo siguro..i hear dead people ang arrive. Pero napaka ganda ng interior nya at ito ang kaisa-isang church metal sa Asya.
Ayan yung labas. Napaka ganda.
Yung mama kong nagpapapikchur sa harap ng San Sebastian o full name nya; Basilica Menor de San Sebastian. Yung sumunod na pikchur,hanapin nyo na lang yung kapatid ko.:p
Eto yung sinasabi kong breathtaking na interior. Para magbigay kaalaman lamang, dahil sinabi ko na na ito yung only church made out of steel Asia. Noong mga panahong 1600, isang magiting at galanteng debotante ang nag donate ng lupa kung saan ngayon nakatayo ang simbahan. Un,ang simbahan ay gawa sa kahoy, pero nasunog yun nung mga nagrebelde ang mga chinese garter sa Pilipinas. Yung sumunod, 1800s, nawasak naman yung simbahan dahil sa sunog at lindol. So, yung parish priest nung panahon na yun,humingi ng tulong sa isang arkitekto na si Genaro Palacios. Ang request ni father Esteban Martinez eh, gawin nya yung simbahan na di natitinag ng sunog at lindol! Kaya nabuo ang simbahan na gawa lamang sa steel, mixed sand, graba at semento. Ang mga materyales ay inangkat pa sa Alemanya! Pati yung mga stained glass gawa din ng Aleman! At ang chika eh pati yung altar ganun din, pero nawala daw ito dahil sa bagyo nung papunta dito sa Pilipinas, kung kaya't gawa dito ang altar na kahoy. At ang pinaka brilliant na idea sa arkitektura ng simbahan ay yung ilalim nya ay kamuka ng hull ng isang barko, para kapag may lindol,mag ssway lang ito, hindi tutumba. Amazing isn't?
Makikita na ang isang bahagi na kinunan ko eh kinakalawang na..Pero sana wag nilang pabayaan na masira na lang sya..kasi sobrang ganda nung simbahan. Gilid palang eh oh..apaka ganda. bumibili akong japanese cake nyan kaya napunta na ako sa gilid.:)
Ang susunod naming pinuntahan..masyado na tong mainstream sa mga mayayaman at turista.
The Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception, o mas kilala sa pangalang Manila Cathedral.
Katulad din ng mga simbahang oldies na madami na pinagdaanan sa buhay. Yung una nyang ichura eh gawa sa nipa,kahoy at bamboo. Pero dahil may kayamanan ang ating bansa nung mga panahong yon, pinagawa nila ang stone church na meron tayo ngayon.
Ang pang lima naming pinuntahan aaayyyy...kapitbahay lang ng Manila Cathedral.
Iglesia de la Immaculada Concepcion de Maria de SanAgustin o San Agustin Church.
Ewam ko,pero eto yung pinakadi ko nagustuhan yung ichura. Parang istiker lang yung ceiling..di ko alam kung lokohan lang ba o ano. Sabi sa nabasa ko eh painting ng 3d keme yan.. eh sana iba na lang yung nilagay..Chaka sya yung hindi pinaka peaceful sa mga binisita ko..Siguro dahil nga sa visita iglesia kaya ganon..
Yung sumunod naming pinuntahan, pinaka peaceful to!
Tinatawag na St.Joseph'sConvent of Perpetual Adoration o mas kilalang Pink Sisters. Kung makikita sa pikchur na medyo malabo may harang yung bandang harap,kasi dun daw nagdadasal yung mga sisters na naka pink ang suot. Seclusion!!!
At ang pinakahuli naming dinalaw, kung san ako lumaki. Ang dami ng pinagbago ng simbahan na to, sobrang minahal ng maraming tao,madaming nagdonate para sa ikagaganda nya, ngayon, isa na sya sa mga simbahan na sobrang daming dumadalaw sa lugar namin..
Sacred Heart of Jesus Parish sa may Sct.Ybardolaza.
Andami kong napuntahang bago na simbahan ngayon, ngunit sabi ko nga..iisa lang yung wish ko. para sure na matupad! no erase period. padlock ganon.
After neto,nagkaron ako ng urge to visit different churches..ang sinunod ko nga eh yung Barasoain church, na mas nauna ko pang post kesa dito.
Comments