Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2017

Zombies, Aswangs and Lucky Me Pancit Canton

The title says it all. So wala na akong isusulat pa. . . . . . . . . . Cheret leng. Sa tagpong ito, nawa'y wag maging katotohanan ang Zombie apolypse at ang Aswang chronicles. May naalala ako bigla, dati kasama ko yung ex ko, nanood kami ng aswang na movie, nilambing pa nya ako, yun pala inaaswang na din nya yung ibang babae. Anak ng isandaang tinapa sya. Walanghiya! Bago pa man ako makerid away ng madami..meron na akong blog before about sa zombies na posible na magkatotoo yun kasi merong condition na nagiging living dead yung tao dahil sa virus. Pero kanina, mejj nag research ako ulit ng konte, baka kasi may updates na about sa zombies, mamaya meron na palang babala na magkaka train to busan na sa Pilipinas. Train to Magallanes. Tapos MRT yung gagamiting tren, tapos biglang masisiraan sa may Shaw station, tas maglalakad na lang yung mga zombie na sakay, kasi iinvade nila sakan yung Ayala people. Pagdating ng mga zombie sa Ayala, pagod na sila,tas maiinitan sila, at...

Not so Depressing Post, just my Thoughts

Kung nasaan man napunta ang drafts ko, take care na lang. Hayst. Para akong nawalan ng pera..dahil yung mga naputol kong ideas andun sa drafts kong nawawala. Ito ba ay kashungahan, force majeure o sadyang kapalaran nyang mawala na lang na parang si Amelia Earhart? Wala naman talaga konek yung intro ko sa mga gusto kong sabihin dito, dahil ito ay tungkol sa depression at tumataas na suicide rate sa Pilipinas. Although, wala akong supporting data about suicide rate, nabibigyan pansin na sya at madami ng nababalita tungkol dito. I'm not sure this is a good thing, that suicide and its causes are now acknowledged by the masses, because, personally, I still feel sad that despite being known by a lot already, there are still the triggers, the stimuli why some are forced to take their own lives. Why can't we just be kind to each other, regardless of our circumstances? Nakakasakit sa puso na isipin, na andaming masama ang ugali,na kapag ginawa mo sa kanila yung ginagawa nila sayo, si...

What Hiatus Can Do?

Hello ulit sa mga nagbabasa ng blogs ko (mga por), dahil medyo matagal ang pahinga, narito na ang mga kahindik-hindik kong lwento at konting natutunan sa mga nakaraang araw at linggggooo.  Disclaimer: Halo-halo to, mas special pa sa Chowking halo-halo white. Una sa lahat, isa sa mga natuklasan ko, na kahit pala wala kang intensyon manakit o sadyang nagsusulat ka lang dahil trip mo lang ganon, meron ka padin palang masasaktan o maaapektuhang tao. My ultimate goal in life is to do good even in the littlest things every day, entertain and educate thru writing and just live a quiet and happy life. Hindi pala ganun ka simple yun. Komplikado din pala, kahit simple lang ang equation.  Pangalawa, alam ko na na mahaba pasensya ko, I learned that a long time ago, na kayang i master ang pag control ng temper, pag extend ng patience lalo na sa mga taong hindi mo bet, o sadyang hindi sila ka bet-bet. Pero nalaman kong nasasagad din pala ako, may limitasyon din pala ako. Althoug...

Hello Marketing, Advertising, Endorsement, whatever you want to call it..

Hello friends and countrymen!!  Bilang may mga nagtatanong about sa produkto kong nakakapagpasaya ng friendship, relationship, familyship (meron ganon, sabi ko), sana i follow nyo yung IG, kasi yun lang ang meron ako.:p At dahil konti palang followers ko sa IG, follow na! Andyan lahat ng pwede i-order at pwede ka din mag request, parang DJ, VJ, KJ. May baked goods, sweets, ang mga meals na hatid ni Mayora.Super mura lang, super swak for this holiday season! Pang-giveaways, gip, monito monita, kris kringle, white elephant, yellow rabbit, green lion at kung ano pang trip mong itawag sa pag eexchange ng happy surprise. Pwede mo din ibigay sa nililigawan, ibabalot ko sa pink o pula with ribbon, lagyan ko na din ng quote, para sagutin ka na nya. :)  Minimum of 5 orders sa bawat product. Para naman sa bulk orders (feelingera, akala mo may oorder ng madami), antimanong magbigay ng at least 2 days notice, para di naman ngarag ang lola nyo. Baka di na ako makaharap ng may...

Eradication ba o Modernization?

Sobrang late na post na to kasi hindi ko sya matapos tapos before..laging nasasapawan ng new idea. Anyway, feeling ko timely padin naman sya dahil unang una sa lahat! Wala pa naman tong solusyon. nahinto yung chika about the modernization thing. Pilipino nga naman, hindi pa natatapos ang isang problema, on to the next na agad. Kaya walang nasosolusyunan. Ningas Cogon at its finest. Kung ano man ang hold up ng issue na to, gusto ko padin ipukol ang bato sa kinauukulang nasa pwesto. Bakit??? Sila na naman ang may kasalanan? Why don't we start with ourselves? Puro na lang ba gobyerno ang may kasalanan sa kahirapan ng bansa? Well, ang mga may ari ng kakarag karag na jeep ay for sure walang sapat na budget para palitan ang kaninang jeep. Sino ba may gusto mag maneho ng kinakalawang? Kung mura ang bagong jeep, wala na sana tayo nakitang luma at pang limahan lang ata ang pwede sumakay. Oo, maganda ang layunin ng modernization,pero mejj patapon yung solusyon. Sino ba nakaisip neto? Ka...

Most Number of Blogs in 1 year!!!!!!!!

Bilang me sakit ang lola nyo at wala akong maisulat dahil kinikilig me...secret bakit.:p Parang Lady Gaga lang ang peg, 'I've got a hundred million reasons to walk away, but baby, I just need one good one to stay'.Yeff, gaga eh. Anyway, di naman yun yung topic natin today! Dahil nga wala akong maisulat na nakaka entertain sa isip ko maliban sa mapanghusga yung doctor sa ospital kahapon, tinanong ba naman ako kung sure ba akong di ako buntis?! Unang una sa lahat, ang unang tanong nya sakin, "kelan ang huling mens?",sabi ko, "nung 20 lang po". Sinegundahan ako mga beshie, "So sure kang di buntis?" Aba aba aba! Doc chubbilog me, but my womb is empty, aside from my accumulated blood for the next bloodshed! Kita mo nga naman, naka isang paragrap na ako! Hindi talaga to topic natin. So ayun nga, I was replying to someone in one of my blogs nung nakita ko yung total number of blogs ko each year since 2010. And the winner is!! Candidate 2012! I wa...