Skip to main content

Eradication ba o Modernization?

Sobrang late na post na to kasi hindi ko sya matapos tapos before..laging nasasapawan ng new idea. Anyway, feeling ko timely padin naman sya dahil unang una sa lahat! Wala pa naman tong solusyon. nahinto yung chika about the modernization thing. Pilipino nga naman, hindi pa natatapos ang isang problema, on to the next na agad. Kaya walang nasosolusyunan. Ningas Cogon at its finest. Kung ano man ang hold up ng issue na to, gusto ko padin ipukol ang bato sa kinauukulang nasa pwesto.

Bakit??? Sila na naman ang may kasalanan? Why don't we start with ourselves? Puro na lang ba gobyerno ang may kasalanan sa kahirapan ng bansa?

Well, ang mga may ari ng kakarag karag na jeep ay for sure walang sapat na budget para palitan ang kaninang jeep. Sino ba may gusto mag maneho ng kinakalawang? Kung mura ang bagong jeep, wala na sana tayo nakitang luma at pang limahan lang ata ang pwede sumakay. Oo, maganda ang layunin ng modernization,pero mejj patapon yung solusyon. Sino ba nakaisip neto? Kayo diba? Bakit hindi kayo maghati ng pangbayad sa trip nyo? 50/50 kumbaga, winwin situation. Napaganda nyo yung hinayupak nyong pangalan, gastusin ang nararapat dahil sa buwis ng mamamayan din naman galing yan, kalahati sa may ari ng jeep, dahil sila naman ang gagamit at makikinabang. Isipin mo, wala ka din namang gastos, dahil yung mga sumasakay ng jeep na nagbabayad ng buwis, ayun yung ibabalik mo para pagandahin yung sinasakyan nila. O baka ayaw mo dahil walang mapupunta sa trip to Europe expenses mo? May sense naman diba?

Nilagay kong eradication sa title, kasi hinayupak yung pagkalat ng balita, sabi sakin ng pinagtanungan ko at mga unang tweets na nabasa ko, aalisin na daw ang keep! Tanginang bullshit! syempre ayaw ko! Iconic ang jeepneys sa kasaysayan ng ating bansa. Deputa que horror kung wala ng jeep sa mga kalsada, mag aamok ako! Cheret! Nagalit ako sa maling impormasyon.! Pero dahil nalaman ko ang katotohanan, mas nainis ako. Nagbabayad ako ng buwis buwan buwan, nababwasana ng pinagpaguran kong kitain para sana bumalik sa akin, aming mamayan ang kinuha nyong kapiraso sa dugo't pawis naming pagkayod. Mahirap gumawa ng something ukol dito. Hindi mo rin naman hawak akng pagdedesisyon ng mga kagawaran sa gobyerno. At lalong lalo na, ang maliliit na mamamayang tulad tin, kahit karapatan natin malaman san apuppunta ang mga buwis na ating binabayad, wala din naman papansin satin.

Kahit naman mag rally ka sa EDSA, babayaan ka lang nila. fkarapatan mo yun dahil nasa demokratikong bansa ka..pero napapakinggan ka ba? Andami dami daming departamento sa ating gobyerno, di nga tayo sure anong mga silbi nila. Di tinuro sa school lahat to.. Lumalayo na yung mga sentiments ko..kalat kalat na naman ideas ko. Itigil ko na lang..magsisimula na lang siguro ako sa chores ko..:p 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...