Hello friends and countrymen!!
Bilang may mga nagtatanong about sa produkto kong nakakapagpasaya ng friendship, relationship, familyship (meron ganon, sabi ko), sana i follow nyo yung IG, kasi yun lang ang meron ako.:p At dahil konti palang followers ko sa IG, follow na!
Andyan lahat ng pwede i-order at pwede ka din mag request, parang DJ, VJ, KJ. May baked goods, sweets, ang mga meals na hatid ni Mayora.Super mura lang, super swak for this holiday season! Pang-giveaways, gip, monito monita, kris kringle, white elephant, yellow rabbit, green lion at kung ano pang trip mong itawag sa pag eexchange ng happy surprise. Pwede mo din ibigay sa nililigawan, ibabalot ko sa pink o pula with ribbon, lagyan ko na din ng quote, para sagutin ka na nya. :)
Minimum of 5 orders sa bawat product. Para naman sa bulk orders (feelingera, akala mo may oorder ng madami), antimanong magbigay ng at least 2 days notice, para di naman ngarag ang lola nyo. Baka di na ako makaharap ng may angking kagandahan at kabutihan. cheret!
Disclaimer: Sa Cubao and Tomas Morato area lang kami nag meet up, eh kung bet nyo ipa grab express, pwede naman, pero kayo magbabayad ng fee. :)
Pag merong questions, i-DM nyo na lang, sasagutin kayo ng secretary ko. pero joke lang yun, secretary, ako lang yun. :p
Mrry Christmas!
Comments