Skip to main content

Zombies, Aswangs and Lucky Me Pancit Canton

The title says it all. So wala na akong isusulat pa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Cheret leng.

Sa tagpong ito, nawa'y wag maging katotohanan ang Zombie apolypse at ang Aswang chronicles. May naalala ako bigla, dati kasama ko yung ex ko, nanood kami ng aswang na movie, nilambing pa nya ako, yun pala inaaswang na din nya yung ibang babae. Anak ng isandaang tinapa sya. Walanghiya!

Bago pa man ako makerid away ng madami..meron na akong blog before about sa zombies na posible na magkatotoo yun kasi merong condition na nagiging living dead yung tao dahil sa virus. Pero kanina, mejj nag research ako ulit ng konte, baka kasi may updates na about sa zombies, mamaya meron na palang babala na magkaka train to busan na sa Pilipinas. Train to Magallanes. Tapos MRT yung gagamiting tren, tapos biglang masisiraan sa may Shaw station, tas maglalakad na lang yung mga zombie na sakay, kasi iinvade nila sakan yung Ayala people. Pagdating ng mga zombie sa Ayala, pagod na sila,tas maiinitan sila, at malulusaw dahil sa Manila heat. The end.

Pero wala pa naman ganyan, although, meron akong mga nakita na iba't ibang folklores. Alam nyo yun,same gist,na dati merong makapagyarihan na being tapos pinarusahan yung mga masasamang elemento tas namatay sila,then may kontrabulate na mag aappear at bubuhayin yung mga patay at gagawing mga bata nya sa pelikula kasama si Lito Lapid. Pak! World war Z part 56 feat Lito Lapid and sons.

Aswang - sabi ng mga native friends ko (yung mga lumaki at tumira talaga sa probinsya), totoo daw talaga ang mga aswang. So syempre naniniwala ako don. Although,ayoko sana kasi nakakatakot. Sabi ng wikipedia, sila ay shapeshifting monsters, na di maintindihan kung breed ba sila ng vampies, ghoul, witch, werebeast,lamalupa, o kamag-anak ni petmalu lodi xander ford. .Wala pa akong blog about dito, wala pa akong maisip na story about sa kanila, next time. Basta ang naaalala ko talaga yung scenario na aksama ko ex ko eh, sya ata yung aswang kasi. Pero friends kami nun ngayon, so wag na natin sya laiitin dito. :p Mamaya makita nya,malaman nya na sya yon. hahaha.

Kanina, nag tweet yung isa kong friend, sabi nya nakabili daw sya ng pancit canton na ang noodles eh yung dati!! yung hindi yakisoba mga beshie! sa puregold daw! Pagkabasa ko non, gusto ko sumugod kina aling puring at mag hoard ng mga 92 na supot, at ibenta sa opis. hahaha..:p

Simula nung naging yakisoba-like yung noodles ng lucky me, parang di na sya appetizing for me. Kumkain na lang ako nun dahil same padin naman yung seasonings, pero yung feels kasi talaga iba bes! Ya feel me?

Alam mo ko naman na walang sense tong mga pinagsasabi ko dito. hindi kita masisisi na pagsisihan ang pagbabasa netong blog ko. :p Naisip ko lang ang ganda pala ni Lady Gaga pag normalan sya.Chaka mabait sya,kahit di kami close. Ang wala akong sagot ay bakit kaya naging ganun si Katy Perry, sinapian sya ng masamang elemento na sumapi din kay Miley Cyrus before.

Paano ko ba tatapusin to?

Nainis ako,sabi sa plaka ng inorder ko, banana top muffin. Wala silang sinabi na may mani sa loob!! ayaw ko pa naman ng may mani na hinalo sa pagkain.:/ hayst.

punyeta.

wakas.




Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...