Hello ulit sa mga nagbabasa ng blogs ko (mga por), dahil medyo matagal ang pahinga, narito na ang mga kahindik-hindik kong lwento at konting natutunan sa mga nakaraang araw at linggggooo.
Disclaimer: Halo-halo to, mas special pa sa Chowking halo-halo white.
Una sa lahat, isa sa mga natuklasan ko, na kahit pala wala kang intensyon manakit o sadyang nagsusulat ka lang dahil trip mo lang ganon, meron ka padin palang masasaktan o maaapektuhang tao. My ultimate goal in life is to do good even in the littlest things every day, entertain and educate thru writing and just live a quiet and happy life. Hindi pala ganun ka simple yun. Komplikado din pala, kahit simple lang ang equation.
Pangalawa, alam ko na na mahaba pasensya ko, I learned that a long time ago, na kayang i master ang pag control ng temper, pag extend ng patience lalo na sa mga taong hindi mo bet, o sadyang hindi sila ka bet-bet. Pero nalaman kong nasasagad din pala ako, may limitasyon din pala ako. Although, I don't consider as a set back, instead, I consider this as opportunity to explore how I can do better than what I am capable of already. Baka kelangan ko ulit maghanap ng way to calm my demons down kahit shitty na yung situation.
Pangatlo, masyado pala akong mabait! Kahit nahihirapan na ako, kahit na alam kong mali na ako na lang gumawa, hindi ko pala tinutulungan yung iba na maging productive din. Dahil ako ang gumagawa ng trabaho nila. I have yet to learn this the hardest way. I've been struggling in the office for the past 2 months, and I stil can't find the right formula to battle the katamaran of other high-salaried men. I learned the art of positive scripting from my previous manager, but I guess it's fading now. Kelangan ko na ng refresher course.
Pangapat, gusto ko magpasalamat sa lahat ng santo at ninuno ng mga santo dahil kahit pala maldita ako,kahit i'm a pain the ass of people closest to me, I still get the love and attention I need. There's this someone, who despite my moodswings, is still there for me. Thank you for your existence. I appreciate every baby fat you have. To my friends, who stay true to my face and behind my back, nakakatuwa na kahit di naman ako yung tipong nangungumusta every day, I still have them. I know. In my heart and soul. I just miss getting drunk with them. hahaha. Lola goals na ata ako, hindi na lang tita.:p
Panglima, hindi na ata ako mabubuhay na walang kape. Dati, hindi naman ako ganto, like i don't crave for it paggising, or before I start my grind sa work. Pero ngayon! nakupo, swak na ako sa meme na i need coffee first before human interaction. Nabalik na naman kasi ako sa point, na kadarating ko lang, meron na agad pangangailangan yung mga kawork ko.May tanong na agad, may favor na agad na gusto ipacheck. So kelangan ko muna ng kape, bago ko sila pagsilbihan.
Pang anim, na mas mabuting mag invest sa magandang camera, lalo na kung gusto mo nag kkeep ng pictures and not just posting them here, there and everywhere, so you won't delete them dahil blurred. shit diba? Naisip mo ba kung gaano kadaming pictures ang nattake every day? pero nation? per barangay, pero barrio..sobrang dami siguro, parang cells na ng tao?:p
Pangpito..naputol yung train of tot ko. 7:29 am na pala. Bili muna akong pandesal sa kanto. :)
Abangan ang mga kapana-panabik na susunod na blogs tungkol sa zombie apocalypse reload, depression and suicide, at ang plateau ng timbang ko. hahaha.
Comments