Skip to main content

Not so Depressing Post, just my Thoughts

Kung nasaan man napunta ang drafts ko, take care na lang. Hayst. Para akong nawalan ng pera..dahil yung mga naputol kong ideas andun sa drafts kong nawawala. Ito ba ay kashungahan, force majeure o sadyang kapalaran nyang mawala na lang na parang si Amelia Earhart?

Wala naman talaga konek yung intro ko sa mga gusto kong sabihin dito, dahil ito ay tungkol sa depression at tumataas na suicide rate sa Pilipinas. Although, wala akong supporting data about suicide rate, nabibigyan pansin na sya at madami ng nababalita tungkol dito. I'm not sure this is a good thing, that suicide and its causes are now acknowledged by the masses, because, personally, I still feel sad that despite being known by a lot already, there are still the triggers, the stimuli why some are forced to take their own lives. Why can't we just be kind to each other, regardless of our circumstances? Nakakasakit sa puso na isipin, na andaming masama ang ugali,na kapag ginawa mo sa kanila yung ginagawa nila sayo, sila oa galit. Ironic masyado pero nakakabaliw.

Nakwento ko na before na may pinsan akong nag suicide, we don't point fingers and say that its anybody's fault. Pero think about it, sa dami ng kumitil ng sarili nilang buhay, bakit di natin simulan sa sarili natin na maging mabuti para sa iba? Dahil ba hindi tayo apektado? Dahil ba hindi rin naman mabuti ang iba satin? a tooth for a tooth, an eye for an eye?

I've known people na clinically diagnosed of depression. I've been watching stuff about it, one of which was yung 13 reasons why. Superficially, I thought napaka lame ng mga reasons bakit nagpakamatay yung bida. Pero nung scene na magpapakamatay na sya, tas mag isa sya, I felt like I was there, I was in that scene, I was with my cousin while he suffered and forced himself to die. Yung pakiramdam na ayaw mo na, wala ka ng ibang gusto maisip kundi tapusin na lang lahat ng sakit, lahat ng hirap na nararamdaman mo. Na kapag wala ka na, baka mag iba ang ikot ng mundo, wala ng masakit, wala ng aapi sayo.

Ever since na binasa at pinanood ko yung 13 reasons why, things just pop up about suicide, I have a magnet to it na all of a sudden. Now,I'm reading Taguan-pung at manwal ng pagpapatiwakal by Eros Atalia. Unconsciously, I want to read everything I can about it, may it be thru humor or to the deepest sense of it.

I know I'm still far from getting to where I wanna be about this issue,I still need to learn more about it and about people. Pakiramdam ko kulang ako sa human interaction. I don't go out a lot anymore, I mean, with different people. I made my circle small since I got depressed myself about my skin condition. It left me with limited resources of things to ponder on. Nawala na ako sa ikot ng mundo, outside my comfort zone.

Although I feel helpless and frustrated, I remembered a friend's words that I cannot forget, I'm a ray of sunshine, and my smiles are contagious, keep sharing. And I promise to do little things to make others look and feel excited about tomorrow. :) 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...