Skip to main content

To my (former) Bestfriend

As painful as my title..I am deeply sad of how our friendship turned out, because of inevitable circumstances. I know it was partly my fault of leaving him with everything we've planned together. But the things I've been through back then was excruciating, and it really tested how strong I was..emotionally. It's still depressing when I look back and think how ruined I was back then.

I think I have already made kwento how wasak I was when I came back from SG. So itatagalog ko na lang, di kasi nagtatagal train of thought ko lately. As if I have writers' block or something. Anyway...

Ikkwento ko ulit kung pano ako nagmahal, naiwan at nahulog sa kaibuturan ng planetang Pluto.:D

Paano ko nga ba sisimulan?

Si P. Bestfriend ko sya simula ewan. Nakilala ko sya sa HGS, ka wave ko sya, di ko na matandaan kung kelan nga ba kami nagsimulang maging parang magkapatid. 2012 ako nagsimulang magtrabaho sa HGS. Ang close nya talaga yung lukaret naming ka wave na kriminal na ngayon, si Pepper. Ang close ko si Jinckle, yung ka wave naming inlab na inlab ke Jampol..na asawa na nya ngayon. Naunangn ma promote sakin si P,naging QA na sya, nagtagal pa ako sa Ops..sya din nagturo sakin ng madaming bagay sa quality and kung ano ano pa. Magkasabay din kami nagka jowa ni P. Bading si P btw. Ilang days apart lang nung nagkajowa kami pareho. Tumagal sila nung jowa nya, hanggang sa bumalik sya dito galing SG. Yung akin, tumagal lang ng isang taon, on and off pa yun. pakboy kasi yung jowa ko non. Anyway, dun ata kami nagsimula maging close, nung na promote na ako..QA sya PA ako. sya lahat nakikinig sa mga rants ko sa boss ko and all. Kasabay ko sya mag break, hindi mag break. Kasama ko sya mang okray at manlait ng mga bagong nilalang napapasok sa account namin. Pihikan si P sa kakaibiganin. Maldita sya actually. Di ko nga alam pano nagjive personalities namin. Sa office or sa ibang work activities, kasama ko sya..gusto na nga ng mga ka team namin before, sana kami na lang..pero..bading sya..so wala. nvm mafriends.hahaha. Pogi yun si P, maputi matangkad, maliit muka, matangos ilong, mbango, kaso payatot. hahaha Basta madaming nagkakagusto sa kanya. Umabot na kami sa level na ikkwento nya sakin na bibili sya ng bagong mattress at itatanong nya sakin anong magandang shade ng green ang maganda para sa kwarto nya. For almost 3 yrs,m ganon kami..para ko na syang kapatid.

Bago kami umalis ng HGS, sobrang tagal naming pinagplanuhan lahat, well sya lang actually, taga oo lang ako. Well, wala kasi akong plano pa masyado that time. So bilang buo ang tiwala ko sa kanya, payag ako sa lahat ng gusto nya gawin. Di ko na matandaan pano kami nakabili daalwa ng ticket paalis, kasi alam kong mahal yon.hahaha. Months bago kami umalis, nagka something kami nung close friend ko, yung matagal kong iniyak dito..na nagkabalikan sila nung ex nya habang nasa SG ako. I gave him everything, all of me! hahayst. Sobrang mahal ko sya, and we even have plans na susunod sya don and we'll be together. Pero nung time na andon na kami sa SG ni P...nag iba ang lahat. Ni hindi na nya ako kinakausap. Sabi ng mga kaibigan nya na naging close ko na that time, nagkabalikan na sila nung long time jowa nya. Sobra akong nasaktan. Gusto ko umuwi to win him back. Ayun lang actually driving force ko kaya ako uuwi, maliban sa lungkot na naramdaman ko dahil di ko maintindihan mga inchik don. hahaha.

Alam ko nasaktan si P...nung araw na sinabi ko sa kanya..'frenny di ko na kaya dito...uuwi na ako'.
Nasa Chinese garden kami non, it was a humid day, pero umulan nung time na sinabi ko sa kanya yun, uuwi na ako..pabalik sa apartment, hindi kami nagkibuan. umiiyak lang ako ng umiiyak non. Days na magkasama kami sa iisang kwarto, sinubukan nyang mag apply apply padin ng work. Pero wala eh. Nawalan na ako ng pag asa. Nawalan na ako actually ng gana mabuhay non, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Uwing uwi na ako.

Nung time na tapos na yung kontrata namin sa apartment, maghihiwalay na kami, makikituloy sa friends muna namin. Alam kong yun na ang huling beses na makikita ko sya. Alam kong nasaktan ko sya ng sobra, I betrayed him and left him hanging. Alam ko nawalan na din sya ng gana, kasi lahat ng plano na binuo nya para saming dalawa, magkasama kami. Hati sa lahat. Pero iniwan ko sya, dahil gusto ko na umuwi ng Pilipinas. Para sa pag-ibig. Pinagpalit ko ang pagkakaibigan namin sa pag-ibig na wala talagang kasiguraduhan. Hanggang ngayon nasasaktan padin akong isipin na nangyare samin yon.

Pag uwi ko dito, ilang buwan pagkatapos, nabanggit sakin na umuwi din si P at nag clearance sa HGS. matapos ang halos isang taon, nabalitaan ko na nag break na sila nung long time jowa nya (same jowa na nabanggit ko sa taas). Sobrang sakit non para sa kanya alam ko. Sinubukan ko syang kumustahin, civil padin naman mga sagot nya. Pero alam kong andon padin yung galit or tampo nya para sakin. Hindi ko sya masisi dahil alam kong may pagkukulang ako sa kanya. Gustuhin ko man makipag ayos sa kanya, di ko alam paano. Gusto ko mag sorry pero alam kong oo lang ang isasagot nya sakin, pero hindi na kayang ibalik pa ng simpleng sorry ang lahat ng pinagsamahan namin.

Sana balang araw, mabasa mo to P. Sana malaman mo na mahal kita, bilang kaibigan. Gusto ko umiyak at hingin yung kapatawaran para gumaan na finally yung loob mo. Gusto kong bumalik sa SG na kasama ka, at maging masaya. Pero alam kong wala akong karapatan hingin sayo yun.

Sana P, maging masaya na ang puso mo, sana magtagumpay ka sa pag nnars mo at makaalis ng bansa at magpakayaman. Ayun naman plano natin diba? Bumuo tayo ng mga pangarap noon na magkasama. Ngayon snsungkit na natin sila ng magkahiwalay. Wala akong ibang hiling para sayo kundi maging masaya. Sana magkaanak ka padin balangaraw, katulad ng sinabi mo sakin dati. Hindi man sakin, hahaha, pero sa babaeng maganda para maganda din ang bunga.

Hindi ko makakalimutan lahat ng mga masasayang alaala natin na magkasama. Balang araw ikkwento ko sa magiging anak ko (kung hindi ako baog), na minsan sa buhay ko, nakatagpo ako ng totoong kaibigan katulad mo.

I miss you, P.

P.S.
buhay pa si P, di pa po sya sumakabilang buhay. hindi yun yung dahilan bakit ko to ginawa. Naalala ko lang sya at namimiss ko sya kaya ako nagsulat.:D 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...