Skip to main content

My Road to Resignation

Ako yung tipo ng tao na ayaw ng mahabang bbye time. Kahit sa pagjojowa, yung uso na "ikaw na mauna magbaba, hindi ikaw muna, o sige sabay na lang". Pag bbye, bbye na. Wag madaming arte, kasi period na yun eh.

So sa 7 years kong pag ttrabaho, at paglipat lipat ng work, isang beses palang ako makaka experience ng rendering days! :p Na try ko na makakuha ng backpay, once. Pero clearance at pag sstay sa kumpanya ng 30+ days para lang iparamdam sayo na di ka na part ng kumpanya dahil di ka nila sasahuran, ngayon ko lang nasubukan.:p

Hindi 15 days notice, hindi 30 days, kundi 45 days! Pota tatlong pay out yon! Anak ng kabayong inalipin sa arawan! Lagas ang kayamanan ni Mamuuhh!:D

Naging marangal akong tao ngayon, dahil sa ilang kadahilanan. Una, kawawa naman yung mga recruiters na naging malapit na sakin at umaasa sila sa mga recruiting needs nila everyday. Gusto ko na ma transition ng maayos sa papalit sakin yung trabahong iiwanan ko. Napaka diplomatic ko don, pwedeng tumakbong kagawad. Pangalawa, gusto kong maayos umalis ng nakakalokang kumpanyang to, dahil madami akong natutunan sa management - maging independent at mag self study. Pangatlo, mahirap kasi mag consolidate ng tax sa katapusan ng taon. Taena, pupunta ka sa BIR para lang ipaglaban na nagbayad ka ng buwis, at wala kang kasalanan sa mga pinapaswelduhan mong opisyal ng gobyerno, na ang ginagawa lang naman e magkape sa senado. Ooops! Kelangan ko lang talaga yung 2316 ko. Ikaapat, wala lang trip ko lang sya gawin for a change,new experience ganon. Malay mo meron akong matutunang bago.

Well...wala akong natutunang kapaki-pakinabang..isa sa mga nalaman ko eh, kapag ang empleyado ay hindi naniniwala sa pamamalakad at kakayahan ng management tulungan ka na ma promote, iiwan at iiwan nil ang kumpanya, regardless kung anong motivation ng tao sa pagttrabaho.

Madami akong nakilala na magagaling, matatalino, mapagmahal na mga nanay, tatay, anak, kapatid, na nagttrabaho solely para may maisuporta sa pamilya. Minsan kahit ayaw nila umalis,dahil hassle pa yon at may period na di sila ssweldo,umaalis sila, dahil hindi lang naman kumita ng pera ang gusto ng bawat isa. Kung uukilkilin mo ang utak ng bawat isa, walang may gusto na hindi maging mas magaling, mapromote, o umangat sa kinaroroonan nila. The company has wasted a lot of talents. Magaling sila mag recruit,mahina sila mag retain.

Anyway! road to resignation ko to, hindi ng ibang tao. hahaha. so yun nga, nag resign ako dahil sa madaming rason, pero wag na natin ibunyag sa mundo and detalye, dahil masakit alalahanin, parang break up.:p so diba nga ilang linggo padin akong pumasok ng pasok sa opis, tinuruan ko yung papalit sakin na si beks,beks si ate girl. Kasundo ko sya, madaldal sya at nakakatuwa kasama. Pero umpisa palang alam kong demotivated na sya dahil napansin na nya agad yung mga kahinaan ng mga boys naming managers. :D tumagal naman sya isang buwan. Nung last day ko, di na sya pumasok. Ansaya no?Sumabay sya sa farewell bidjoke party ko ng sabado, lunes ako na lang yung pumasok. hahaha. Last day ko yon, dapat light lang,mag ttransfer na lang ako ng mga access and all. Pero parang normal ko din, napa OT pa nga ako kasi yung mga tasks for that day, tinapos ko pa. hahaha. So much for my last day.

Nakakatats din na ginawan nila ako ng letters.:) nakakatuwa kasi pakiramdam ko nalungkot sila ket pano na umalis na ako, na mamimiss nila ako, na feeling nila malaki akong kawalan sa team. Kahit malungkot yung pag alis, masaya ako na kahit pano, in my cute ways,meron pala akong mga napasaya,napagaan yung day to day lives nila, at natuwa sa mga kaabnormalan ko sa trabaho. Masasabi ko din na umalis ako ng maluwag sa dibdib ko, wala akong inapakang tao, wala akong sinaktan, maayos akong umalis. Nakakatuwa din na sabihan ka ng director na 'kung gusto mo ng character reference, I am willing to be one'. Heavy yun mehn! Ilalagay talaga kita wag ka mag alala. hahaha.

Hindi na din masama yung iniwan ko. Masaya ako sa mga natutunan ko,naramdaman ko lang na the place is not for me. I asked, kasi sabi ask you shall receive..wala naman akong natanggap na sagot. I did everything to have one strong reason to stay. Sabi nga ni Lady Gaga, you giving me a million reason to quit the show...baby I just need one, good one to stay. Pak! Ayan theme song ko. kaso wala...I have to move on, move forward and see where I can pour my all passion into.

Nag apply ako sa isang company bago ako mag last day. Oks na actually, it went well. Nag meet and greet na nga ako sa president ng kumpanya. Tas ending, pinaasa lang pala ako. ansakit bes. So nasa ground zero pa ako, when it comes to corporate employment.good thing, I have microbusinesses to keep me afloat.

Dibale! Makakarating din tayo sa paroroonan! <3




Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...