Skip to main content

Last time you will be here

There I was, thinking I was already ok, after 3 months of not being with him. Hindi pala..

Akala ko mahirap para sayo na umalis, 
Akala ko yung mga dahilan na sinabi mo, bakit na natin dapat itigil lahat, ay totoo.
Akala ko lahat ng mga pinakita mo, sinabi mo totoo.
Akala ko ako yung mali.
Akala ko kawalan ako para sayo.
Akala ko nahihirapan kadin katulad ko.
Akala ko nararamdaman mo din na mahirap mag move-on.
Akala ko katulad din kita na hindi kayang magmahal o kahit lumandi agad.
Akala ko lang pala lahat.

My friends told me to stop being mabait, and be the first to turn her back. Kasi ang weak, always talo.
After all the things I have learned about you, I felt weak, I felt betrayed, I felt irrelevant.
Pero ayaw ko na talaga sya i emote. Pakiramdam ko naubos na lahat ng ieemote ko para sa kanya. I just felt na di nya magagawa sakin yun. Maybe, I didn't know him that well.

Ayoko ng magsulat ng tungkol sayo.
Ayoko ng maisip kung ok ka lang ba, nalulungkot ka ba, dahil masaya ka na pala.
Ayoko ng malaman ang kahit ano pa tungkol sayo, sana wag mo na din akong kausapin.
Ayoko ng isipin na ako yung tama, kasi pareho naman tayong nagkamali.
Ayoko ng maramdaman yung sakit, pero alam kong matagal tagal pa 'tong mawawala.

I promised myself to focus more on the things I can be better at, and not dwell on what could have been and what is not meant for me. I may be left behind always, but I will not let myself feel less than what I truly am. Alam kong kaya kong lumagpas dito, alam kong kaya kong maging ok sa tamang panahon. Alam ko din na cnconvince ko lang sarili ko ngayon na strong ako, kahit deep down nalulunod na naman ako sa sea of sad memories. hahaha.Kaya eto na ang huling beses na ikkwento kita sa pader ng blogsite ko. Dahil di ka naman pogi talaga. hahaha. Buti na lang nilab kita. Charot!Love is blind, lalo na ang lovers. You will not see their flaws. If you see them, you accept them, and choose to see the good in them instead. Lahat ng tao mangmang sa pag-ibig. Hindi ako naniniwala sa mga taong matalino magmahal. Dahil di ako naniniwala na natututo ang puso. Utak pwede, pero hindi ang puso. Malayo na tayo sa topic. hahaha. 

This is going to the last time you will own my thoughts. I don't hate you, I am just disappointed that you are not what I thought you were. Tanggap ko na naganap, and it's time to let go. Life happens, shit happens, you clean as you go. :p Your shit will be in here forever, so I am not going to say goodbye to our memories. See you around.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...