Skip to main content

The Power of Manifesting (Lovelife Edition)

Super nauso yung mga tweets about manifesting ng jowa. Example: Mariz Racal & Rico Blanco. Nagtweet si Mariz years ago about Rico then after how may years, sila na. Ganong levels. Madaming celebrities nag-post ng ganito non. Basta gets nyo na yung idea. 

Then I realized, I did manifest the person I am with today (since puberty stage).

Nung high school palang ako, syempre ayun yung stage in life na you form those things in your head about your ideal someone. Ang madalas kong crush yung mga naka-glasses, matangkad, payat, and mabango. Pero ang mga pinalad sa raffle na HS jowa ko non, ay different from my "ideal guy". Ewan ko din, bihira pa sa 4 leaf clover makakita ng ganung lalake sa school namin. Tapos yung nag-iisang ganon na crush ko that time, eh hindi ako gusto!

Skip na natin yung college. Kasi dito yung parang united nations ang mga nagdaan na lalake sa buhay ko. Walang pattern, and again. Hindi padin pasok sa ideal guy category. Usually merong kulang. Naka-glasses lang. Matangkad lang. Or mabango lang talaga sya. And at this time, I experienced my first major heartbreak kaya nagfocus lang talaga ako sa studies. So, wala sa utak ko humanap ng ideal guy.

Nung nagwork na ko, and after a handful of guys I've been with, it came to a point na ayoko na mag boyfriend. Nakakasawa mag getting to know stage. Nakakapagod masaktan (drama yern?). I'll just take it slow, focus on myself, and just go with the flow. (Gusto ko lang ng anak by the age of 28. I have someone in mind to give me a child na during that time. Ganon na ako nag-give up sa pag-ibig.) So people would ask me bakit wala pa akong boyfriend (for quite some time, my family thought lesbian ako), and ang kasunod non was ano bang gusto mo sa lalake? This was, siguro nasa 26 -27 y.o na ko neto. Stage where in I officially quit dating, and the "ideal guy" came back to mind.

Gusto ko ng naka-glasses na lalake, and loves to read. (Nung time na yon, sobrang dami ko pang time to read. lol And usually, yung mga nag attempt sakin, when I say na gusto ko ng wide-read person, ayaw na nila ituloy) How about physically? Gusto mo ba ng maputi? No, ayoko ng maputi like me. Gusto ko ng medyo kayumanggi, not super brown. Sakto lang. Matangkad. Maganda yung buhok. Malinis tignan and mabango.

Sabi ko sa sarili ko, hanggat wala yang mga yan, di na muna ako mag bboyfriend. Sabi siguro ng tadhana: Ok. Pag ito di mo pa tinanggap bahala ka na sa buhay mo.

Fast forward today.

Yung jowa ko, matangkad, (medyo) payat, naka glasses, loves to read, hindi sya kaputian, mabango, and yung hair nya, just the way I like it. Samahan mo pa ng opinionated, madaldal, loves to share his passion about movies and history. Medyo di lang talaga kami nagtugma sa music. He was indeed a complete package of what I wished for years ago.

Ayun, ngayon ko lang narealize, after almost 5 years of being together.

So what's the moral lesson? Sa buhay, you have to picture out what exactly you want. Ibibigay yan sayo sa tamang panahon. :D Naging inspirational bigla.

Yun lang!

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman,