Skip to main content

Disney related Chars

May dalawang bagay na medyo nabbother ako at kelangan ko ng kasagutan talaga.

Una, bakit may parents na gustong dalhin ang baby nila sa Disneyland. Take note, mga 3 - 8 months ang pinag uusapan ha. Walang yaya na kasama. Tatlo lang daw sila. Hindi naman matatandaan ng baby yon.
Kahit pakitaan mo ng pictures, di rin naman nila matatandaan. Basta alam nila nag Disneyland sila nung baby pa sila. Nag enjoy ba sila?
Also, mapapagod lang yung parents mag alaga, mag tulak ng stroller. Di pa sila makakapag rides. Please enlighten me.

Edit: Because this has been in my drafts for years, I got good insights coming from my friends who have done this with their kids. The gist of their answers were "creating memories", although hindi pa to masasama sa core memory ng baby, it will be sa parents. Since parents experience burnout as well, going to a place where their inner kid would enjoy is a great ice breaker to their exhausted parent bodies. haha. basta ganon. It was an eye-opener.

Pangalawa. Bakit kelangan gawing maitim ang mga Disney characters? If they want to promote diversity, equity and inclusion, bakit di na lang sila gumawa ng bagong movie na mas appropriate sa panahon ngayon. Kesa gawing maitim si litol mermaid, at si tinkerbell, gumawa na lang kayo ng bagong sirena at alitaptap. Juskolorde. Yung katulad ng Frozen chaka yung Princess and the Frog. Ganon! Yung binibigyan ng value talaga yung sarili!

Edit: I recently watched yung the recent little mermaid movie na brown skinned si Ariel. Wala lang. I still think that Disney should remake those movies na pwedeng kapulutan ng aral ng kids ngayon especially in this digital era. Apakalandi kasi ni Ariel talaga! Gigil ako eh 14 or 16 years old palang sya don! pero hala sige habol sa poging lalake. Anyway, it's just my personal opinion. It was rated PG naman so technically the producers have clean hands in terms of imparting right or wrong sa yougn audience.

Nakakapagod din mag isip minsan pero mas nakakapagod mag-work. Lol

Publishing this because pandemic pa 'to sa draft ko.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...