Skip to main content

NAGTAMPO KA NA NAMAN.:(

Ang pagsulat ay isang bagay na ginagawa ko hindi lamang para magpalipas ng oras. Nagsusulat ako sa dahilang di ko alam. Magulo.

Magulo yung ideas sa utak ko, minsan ay hindi lang minsan, lagi nakikita ito sa mga naisusulat na walang direksyon? Ewan ko lang kung ayun din ang opinyon ng mga nakakabasa ng mga gawa ko. Sabi nila cool daw pero I really can't feel the coolness to what i write? Naginarte na naman ako? Pero nakakataba ng puso ang kanilang mga compliments.:) Magulo ako diba?parang ngayon hindi naman talaga yan ang sasabihin ko pero yan sinasabi ko..:) Ang sasabihin ko talaga itooooo.

Nagsusulat ako dahil yun ang sinasabi ko ng puso ko.:) Pero may problema ako, dahil nagtampo na naman ang musa ng aking pagsulat, ang kaliwanagan na lagi kong pinanghahawakan ko tuwing hawak ko ang bolpen at kaharap ko ang notebook kong puro guhit lang. Totoo yung isa kong nabasa na pag dumating yung "enlightenment" wag mo palagpasin, i entertain mo sya at isulat lahat ng sasabihin nya dahil kung hindi, aalisan ka lang nya at iiwan ka nyang...empty handed.

Ang problema ko ay ito. Bago ako nagpunta sa interview ng isang kumpanya na aking pinapasukan ngayon, may project akong gagawin. Nasimulan ko na nga yung unang storya. Maganda. Nagulat nga ako na nakagawa ako ng ganun dahil ngayon lang ako nagsulat ng seryoso, direcho sa punto ko, na excite pa nga ako sa mga susunod kong magagawang storya. Pitong kwento tungkol sa pitong mortal na kasalanan sa buhay ng pitong babae. May isa lang naman akong gusto mangyare, ang magkaron ng pitong pagbabago dahil sa pitong storyang ito. Pero pano ko matatapos yung pito kung yung pangalawa nga di ko kayang simulan? Kasi... sa kasawiang palad, iniwan ako ng musaaaaaa..At di ko alam kelan sya babalik.:( Gusto ko sana matapos yun bago matapos ang taon.Ang lagi ba ng problema ko? Oo talaga..

Nananawagan ako sa Muse koooooo..:) Bumalik ka na kasi nahihirapan ang buhay ko ng nakatitig lang sa papel at inooccupy lang ni ano yung isip ko..Isa pa yan..bakit ba di mo na lubayan at manahimik na lang ako sa buhay ko. Bawal pag usapan ang puso ko kaya sige wag na.hahaha.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...