Skip to main content

WALANG MAGAWA SA YAMAN

Sa Pilipinas. Ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman, at ang mahihirap ay patuloy na humihirap. Bakit kaya?
 Pero di naman yan ang gusto ko sabihin...Pera. Iba ang nagagawa nyan. Lahat ng bagay pwede nyang bilhin. Take note, BAGAY. baka mag react ng di naaayon.

Isang araw na nagbabasa ako ng dyaryo, "Japanese sparkling toilet". Wow!.. kristal na inidoro, mayroong 72,000  piraso ng Swarovski gems. Anong gagawin mo sa inidorong may mga beads? dudumihan mo lang naman din yun? Parang pag nakita mo, manghihinayang ka lang na lagyan ng masamang elemento at end up mo pipigilan mo na lang yang pagpapawis mo ng malamig dahil may Swachurvskee yung toilet bowl mo...
 At isipin mo na lang kung magkano yun?10M yen!! Yen pa yun ah..try mo i convert sa peso..ahm..magkano yun? Ahm. ikaw na lang mag compute di ako masyado magaling sa Math ee.. :) basta limpak limpak na salapi yun! Kung yung ipangbibili mo ng magandang bowl na to, ibigay mo sa Pilipinas, madami ka ng mapapataba na kabataan sa kalye.:)



Meron pa!Di pa tapos dyan... Ang bala ay ginagamit upang bumaril..bakit ka bumabaril? para pumatay diba? diba?diba? nakooooo..pero ngayon may kalandian na din ang bala!!bullet..



kung ganito lang din naman papatay sayo? tatanggi ka ba? Joke lang..Baka ibenta mo na lang yung bala e, ang yaman mo na..Meron yang custom-made gold, silver at platinum.haaay.

Ano bang trip ko at sinasabi ko to? Una, may mga kababayan tayong kahit pambili ng kakainin nila wala, tapos may mga tao sa mundo na di alam kung san gagastusin yaman nila. Sa inidorong kumikinang na lang ba?
di ko naman sinasabing kasalanan nila na kasalanan nila na mayaman sila. Ang sinasabi ko lang, medyo unfair ang buhay. May mga taong nagpapakahirap magtrabaho tas may mga adik lang sa gobyerno na gagastusin lang ang tax sa kung ano ano..

Tapos na. Nawala na yung tren ng ideas...ang badtrip ko lang...



















Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...