Skip to main content

WALA NA ATA

Para sa mga kabataan ngayon ipagpaumanhin nyo ang aking obserbasyon, mahirap itago, mahirap kimkimin ang opinyon na aking dalahin. Di bale, di naman masama yung sasabihin ko, eto e, observations lang at mga pagtatanong sa sarili at sa mundong ating ginagalawan, 'anong nangyayare?' parte ba to ng ebolusyon ng tao o modernisasyon. Mahirap sagutin.

Ako ay isang 90's baby, ngayon ay 21 years old na ako, oh galing ko mag compute.:)  Malapit na birthday ko..6 months na lang.haha. anyway, iddescribe ko pano ang buhay na kabataan nung lumalaki ako. Sa probinsya ako pinanganak, nanirahan kami sa kalupaan ng bangus at bagoong ng mga 5 years. Wala pa akong muwang sa buhay nun, naglalaro lang ako kaya medyo di ko na kayang ikwento ang 5 years na yun. 6 years old ako nung lumipat kami dito sa lungsod ng kamaynilaan at ako'y di naman masyadong na culture shock. Siguro dahil bata pa ako at wala akong paki sa mundo kaya di ako masyadong na gulat nung lumipat kami, ecept na lang siguro sa pagsasalita ko na medyo matigas e wala na akong ikinagulat. paulit ulit? hahaha.Oh ayun nga, anim na taong gulang nung lumipat kami dito 7 years old ako nag grade 1. Nag aral ako sa public school, dati naiinis pa ako bakit ako nag aral sa public, pero naisip ko, mas exciting sa public, iba ibang klase ng tao makakasalamuha mo at masasabi kong maganda naman naging experience ko noon. Naglalaro lang kami ng paper dolls ng mga kaklase ko noon.Ngayon may nag ppaper dolls pa bang grade 1? Wala na ata.
Nung grade 2 ako, nauso ang chinese garter tumagal yun mga hanggang grade 5 ako. uso pa naman yan ngayon pero konti na lang sa konti ang nakikita kong nag lalaro ng chinese garter. Dati nag lluksong baka kami, mag naglalaro pa ba nyan ngayon?wala na ata. Dati marunong pa maglaro ang mga batang lalake ng tom sawyer. alam mo ba yung tom sawyer? mahirap i describe i research mo na lang yan. may naglalaro pa ba ng tom sawyer ngayon?wala na ata. Dati kahit babae ako nakikipag laro ako ng sipa sa mga kaklase kong lalake at nag bblack magic pa ako.May naglalaro pa ba ng sipa ngayon? wala na ata. Noon kahit magkakaaway pag oras ng laro nagiging bati. Patintero. kelangan kasi ng maraming kasali dyan kaya dapat bati bati lahat. Pero pagkatapos nagkakapikunan kaya galit galit na lang ulit..mag naglalaro pa ba nyan?wala na ata. Para sa mga batang girly, naglalaro kami ng piko! pagandahan pa ng pamato yan, iba ibang size, shape at kulay. minsan malas mo pa tae pala ng kabing nakuha mo akala mo pamato kiniss mo pa for good luck!nice. tapos nanalo ka syempre.:) ewwness.haha.. Dati nag llimborak pa kami. alam mo ba spelling nun?ako hindi.basta yun na yun..Ngayon, pag naglalakad ako sa street namin ng mga alas kwatro ng hapon, wala na ata akong nakikitang naglalaro nyan.

Commercial muna. Pag ako naglalakad sa street namin mapa hapon at lalo na sa gabi, ang mga kabataan ay nakaupo sa may gutter kung hindi nag ttext, may ka holding hands, kung walang kaholding hands, nagliligawan stage palang. Anong meron sa mundo ngayon?

O ulit, alam mo ba yung tumbang preso? o dapat alam mo yan..:) dati naglalaro ako nyan pero di ako nananalo, pero nakikipag laro padin naman ako, di ako pikon nung aking kabataan hanggang ngayon naman,:) weeeeh? e basta. Di ako nakakasira ng chinelas so ibig sabihin di talaga ako magaling, kasi yugn mga kilala kong hassler sa larong to, wala, ang pangit lang ng chinelas nila.hahaha. pogs. medyo nauna ata to sa mga larong nabanggit ko kasi nas aprobinsya palang ako meron na ako nito, coca cola ang unagn naglabas nito kung di ako nagkakamali, na mayy logo ng ewan ko kung hayop o insekto na kulay red na maroon na mabuhok.garapa ata sya?hahaha..ewan ko basta.may naglalaro pa ba ng pogs ngayon? wala na ata.
Teks.malamang alam mo yan!naglalaro ako nyan, pero di masyadong madami teks ko, dinudugasan ata ako ng mga kalaro kong lalake.hahaha.may naglalaro pa ba ng teks ngayon? wala na ata? meron pa siguro?sana.
Nung medyo lumaki na ko, may nausong laro ang monkey in the middle.medyo maarte ng laro to para sakin, kasi may bilog yun na iddrawing sa semento at may hati sa gitna, tas andun yung monkey ay manghuhuli sya ng mga ano ba tawag sa kanila..'non monkey'  sa space na nasa pagitan ng guhit sa gitna..tas kung sino mahuli sya naman monkey. di masyad creative gumawa ng larong to pero pinatulan ko na din.hahaha.

Commercial ulit: medyo mahaba na ata to, nagsasawa ka na ba?wag naman sana. pero kasi ngayon. Ang mga bata ay iba na ang nilalaro, dota.alam mo ba yaneto malamang alam mo. Kelan nga ba nauso ang online games? at sinong baliw ang nag imbento nyan? wala naman akong galit e.hahaha.halata nu?medyo lang.although sabi nila na may mga magandang naidudulot ang paglalaro ng online games katulad ng multi tasking e di parin ako kumbinsido na ang pag upo sa cimputer shop ng sampung oras at pag iingay ng hitik sa mura dahil ang kalaro mo e adik ay hindi maganda para sa aking pandinig at paningin. Nilalamon ng teknolohiya ang dapat sanang magandang kalusugan ng mga bata na dapat nagpapawis at nag aamoy araw dahil sa kakatakbo sa kalsada sa paglalaro ng agawan base. ayan!naglaro din ako nyan! may naglalaro pa ba nyan ngayon?wala na ata.

Mahirap sabihin na dapat ang paglalaro o paglaki ng kabataan ngayon ay sana katulad ng dati e mahirap i wish.Unang una kanino ka mag wwish?haha.ikalawa, ayan na ang realidad ngayon ng buhay. Kung sakaling may mga bata na gustong maglaro ng patintero may makakalaro ba sya?Wala na ata.dahil halos lahat ng kabataan nahuhumaling sa paglload at pag uunli text at pag ffacebook. Ultimo baby may facebook! Madaming aspeto sa buhay ang nagbabago habang tumatagal ang panahon, mahirap pigilan ang pagbabago. Pero kung pahihintulutan mo naman at manghihikayat ka pwede  naman maging posible diba? May naniniwala ba sakin?
Wala na ata...


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...