Skip to main content

ANG PAGBATI, ALAM MO BA?

Bilang isang babae na wholesome at konserbatibo (weh?), ang pagbati ng mga kalalakihan sakahit anong lugar ay isang bagay na di lang naman ako ang nakaka experience.haha.Kahit sinong babaeng tanungin mo may experience na gantio..Halina't ungkatin natin bakit tayo binabati ng ilang lalake sa mga kalyeng dinadaanan natin at sa kahit anong lugar lalo na't magisa ka lang.

Isang mainit at nagbabagang araw habang ikaw ay nanlalagkit at tinatahak ang kaguluhan ng Quaipo, may nakita ka sa di kalayuan na nagtitinda ng pirated dvds. Ang isip mo e, ano kayang bago? hhindi..wala kang iniisip dadaan ka lang naman ee. Malapit na, nakita ka nya na dadaan sa harap nya, hihinto sya mag alok sa mga taong nagdaraan para tignan ka at pag nasa harap ka na nya, babatiin ka nya, "hi ate, ganda mo ah". anong magiging reaction mo? a) *&%*#$ 'to akala mo sinong gwapo b) hi kuya, libre na lang yag tinda mo
  c) what?i can't understand you. d) deadma, keber.

Usually mas maganda ang letter D. kasi dadaanan mo lang naman sya e.haha..Tignan natin ang pinagkaiba pag ang bumati sa isang babae ay lalakeng type ng babae o di kaya may ichura o di kaya e pormalan ang suot. Bihira to mangyare pero nangyayare parin kaya walang basagan ng trip.
Scenario: nasa makati ka, matataas ang mga gusali, maganda ang mga daan, mukhang mayayaman lahat ng mga tao, kasi mayayaman namana talaga sila..;)) tas sa isang building na pinasukan mo may nasalubong ka, lalakeng matikas, maganda ang pangangatawan, may mapupungay na mga mata, matangos ang ilong at mala rosas na mga labi. (saluhin ang laway kaibigan). Bigla kang tinignan sa mata ng naturang lalake, ngumit sya at sabi " hi miss, san ka". hulaan ko gagawin mo! sasagutin mo sya diba?

Yang ang hirap sa mga babae. hahaha..parang di ako babae? Di naman sa ganun, pero sa mga ganitong bagay, may bias talaga e nu? anong pinag kaiba ng pagbati ng isang amoy araw na nagtitinda ng buko sa daan at sa lalakeng naka long sleeves at may necktie? Pareho lang naman nakakagulat ang pagbati nila kasi di mo sila kilala pareho. Discrimination! hahaha..pero alam kong creepy tumingin mga taong masasalubong mo sa dan na sumisigaw na bote dyaryo tas babatiin ka ng "good mornen ate aylabyu". Bilis ni kuya!hahaha.

Depende naman na sa tao yan pano ihhandle ang mga bagay na ganito..Ang sakin lang e napansin ko lang naman ang pinagkaiba ng parehong scenario na iba lang ang cast at ang reaction ng kababaihan sa ganitong pangyayare..

Maging maingat. mapagmasid at maging cool lang lage. Isipin na lang ng mga lalake, mas creepy kung ganto ang mangyayare:
naglalakad ang isang lalake sa kahabaan ng tomas morato, may nakita syang babaeng naka baro't saya sa di kalayuan. Napatingin sa kanya ang babae, yumuko nagtakip ng pamaypay pero nung nasa hara na nya ang lalake, sabi nya " psst!  ang gwapo mo kuya akin ka na lang shet!"

Mas nakakatakot.kaya tumahimik na lang tayo.:) magandang gabi!














Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...