Skip to main content

JS PROM

Ang entry na ito ay isang maiksi at at at brief...basta brief lang na paglalahad sa mga nakita ko sa mga kabataan na mayayaman at sa di pinalad na ipinanganak na hindi Zobel ang apelido.

Minsan sa buhay kong napakaganda ay napadpad ako sa Marriot hotel..Di ako bagay sa mundong yun pero tama at masaya akong naranasan ko makatapak sa marmol nilang sahig at tumingala sa mataas nilang kisame na may kumikinang na chandelier...ispeeeel!:) Ng panahong ako'y pumasok sa mundong yun ay nakasuot ako ng pang ordinaryong tao di ako handa e.hahaha..Nagpapasalamat ako sa minamahal kong kasama ng mga araw na yun.Kundi dahil sa kanyang malaking partisipasyon ay di ako makakaabot sa pinagpalang lugar na yun.. Oh ayun nga..Dahil buwan ng Pebrero panahon na din kung saan ang mga high school ay magkakaron ng JS prom!!yikee js prom!!naalala mo pa ba ang mga panahon n ikaw ay nagpunta ng ikaw ay naka gown at naka heels na di mo naman alam pano sya ilakad..basta kelangan e.at naka make up ka pa ng bongga, nagkulot.ang mga kalalakihan ay naka barong..ahm..joke lang..naka long islib..at may coat pa..depende sa venue syempre baka mainit at sa gym lang pala ng school mag ccoat ka pa..kumusta naman yun??

Oh ayun na nga..dito papasok ang pangyayare ng araw na pumasok ako sa naturang hotel...ang mga kalalakihang ang kikinis at naka coat ay nag aabang sa may harapan..hinihintay ang bawat babaeng bababa sa kotcheng hihinto sa entrance. pag may babaeng bumaba, asahan mong makinis din, matangos ang ilong, nakasuot na mahaba at napakagandang tela na damit. Nagtaka pa kami nun kung ano meron, kasi diba usually second week ng feb ang mga prom...Pero bago pa man kami makalabas ng lugar na yun,,JS prom nga..hulaan mo anong school...DeLasalle Zobel..

Anak ng nanay ng tinapang nakita kong kinain ng kapatid ko kanina!!!Ang yayaman na mga bata to!!kaya pala ang mga kotche lexus, bmw, volvo, chedeng..Wala..kill yourself na lang...nahiya ako sa sneakers ko ng nakita ko..hahaha..wala akong karapatan tumapak sa marmol na kanilang tinatapakan..Pero kinalimutan ko muna yang feeling na yan, kasi naisip ko tao din naman ako, nasa parehong lugar kami, keri lang yan, sasayaw din naman sila ng king and queen of hearts sa dance floor mamaya.hahaha.

Ang point ko lang...at ang gusto ko talagang sabihin e yung piinagkaiba ng  js prom sa isang pribadong institusyon kumpara sa pampublikong eskwelahan na ginaganap ang js sa gym.sa basketball court.sa quadrangle.ang laki ng pinagkaiba...gumagastos sila ng limpak limpak para lang pumunta sa hotel at sumayaw ng mabagal at magdamit na kasing mahal na ng upa mo sa bahay ng kalahating taon.

Meron pa akong isang napansin. Bakit ang kabataan, parehong edad, parehong high school, pero magkaiba ng eskwelahan at antas sa buhay; magkaiba din ang ichura. Ang mga kabataang nakita ko nung panahong yun, matatangkad, mapuputi, makikinis, matatangos ang ilong, napaka ganda ng kanilang mga ngipin, at iba ang aura.

Iba ang nagagawa ng salapi!!haha..pero ang masasabi ko lang.kahit magkaiba pa ng antas ng buhay yan, kahit gano pa kalaki ang pagkakaiba nila, pareho silang masaya sa gabing yun, parehong kinilig, parehong nakipag date at parehong babaunin nila yun sa kanilang pagtanda...

Puro obserbasyon.walang tanong.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...