Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2012

PROBLEMA KO ISANG MALAMIG NA UMAGA

Hindi ko mawari kung ano meron sa katauhan ko bakit di ko magawang maging kikay... Isa sa mga kahinaan na aaminin ko ay wala akong alam sa make-up, sa fashion, sa mga bagay na pinapahid sa katawan, mukham at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung babae talaga ako o sadyang ginawa ako para maging pusong babae lang? Malimit akong tuksuhin ng mga katrabaho ko na bakla daw ako, isa sa mga dahilan nila ay ang kamalasan kong hindi ako nakatanggap ng biyaya sa usaping dibdib. At dahil na rin sa liban sa mukha lang akong tahimik, hindi ako ugaling babae. Sabi lang nila yun... Kasi pakiramdam ko naman babae ako, hahaha. Sa puso at diwa, di nga lang bebenta sakin ang karamihan na naka display sa mall. :) Isipin mo, naisip ko kasi ang malls ay alay ng mga ninuno natin sa kababaihan. Tignan mo, bilangin mo ang lahat ng tindahan ng damit, accessories, make up, burloloy na walang gamit, sa mga malls kumpara sa mga tindahan na pang lalake. Ang kababaihan ang may pinakamaraming gastos at luho sa kata...

Parang Kailan Lang..

Parang kelan lang, yung mga kaibigan at kakilala ko noong ako'y nasa kolehiyo pa lamang, ang ilan sa mga problema lang namin ay saan kami kakain ng lunch, anong movie ang papanoorin namin, sinong may id na may pikchur at birthday para makabili ng alak sa supermarket. Makalipas ang mahigit isang taon, mukhang madami ng naganap sa kani-kanilang buhay. Nagpapasalamat ako sa Facebook at iba pang social media networking sa pagbibigay sa kin ng mga latest gossips and happenings sa mga kakilala ko. Ilan sa kanila ay nagka boypren na sa wakas, ilan...ahm dumarami sa kanila ay nagkakaanak na, bonggang cute ng mga babies nila, kaya minsan pag nabubukas ako ng Facebook pakiramdam ko hindi akin yung gamit kong account kasi ang daming mukha at sanggol na naglipana sa News Feeds. Ilan sa kanila ay nagppost ng mga litrato ng engagement rings, engagement parties, civil wedding, wedding ng isa pa naming ka batch... Ganyan na ang usual eksena sa aking mga kaibigan at kakilala. Wala naman akong ...

Sa jeep...

Isang umaga, pauwi ako galing sa trabaho… Ate pasahero: bayad po…(20peysos; abot bayad) isa lang po yan Cubao. Driver: Saan to? Ate:   Isa   lang po, Cubao. Driver: (tahimik sya sabay harurot jeep) Cubao? Ilan? Ate: Opo, Cubao, isa lang po…(irritable na) Driver: (abot sukli)… Ate: Kuya, kulang po sukli, isa lang po yun, Cubao. Driver: Ah, isa lang ba? Saan galing? Ate: Jusko…Sa overpass,Cubao ho, isa lang…para na nga! Driver: ah isa lang ba? Hehehe… MORAL LESSON: magbayad ng sakto lang na pamasahe.IRITA!!:p

J to the b, BEWARE TOL!

Sa frontpage ng isang tabloid: JUSTIN BIEBER, KAKAPUNIN, PAPATAYIN! Bilang isang ordinaryong mamamayan na minsang kinilig sa isang kanta ni justin bieber noong hindi pa sya sikat ay pakiramdam ko medyo lumagpas na sa poot ang nararamdaman ng taong nais gumawa ng ganito sa naturang mang-aawit. Hindi ako panatiko ng batang ito pagdating sa mga musika na kanyang pinauso, marahil ay tumatanda na ako at di ko na alam ang uso pagdating sa mga tugtugin ng patok na jeep. Ewan ko lang ah, maliban sa maging jowa ni Selena Gomez, na napabalitang hiwalay na sila dahil bading pala si Bieber, ay wala na akong alam na krimen na nagawa nya. Di ko sya kinakampihan dahil gusto ko ng matigil ang kahibangan nyang kumanta ng baby baby baby oooohhhh!! Ang akin lang, nasobrahan na ata sa vetsin ang mga detractors nya at ninanais na nilang I-salvage ang lalaki. Infairness, di pa sya nag eeffort mang inis nyan ah! Wish ko, sana mang inis sya at ng mapag pyestahan ng halakhak ang mga sobrang apektado sa...

Ang Kahibangan ng mga babae sa pagpapapayat *bow*

Marahil ay hindi na kaila sa lahat ng nilalang sa mundo na ang isa sa mga pangarap ng isang babae ay pumayat o hindi kaya’y maging sexy na tipong aarkilahin na sila para mag pose sa isang magasin o kalendaryo. Walang sayantipikong eksplanasyon kung bakit kinababaliwan ng kababaihan ang konsepto ng pagiging sexy. Ngunit, (hindi ko aangkinin ang ideya) sa tingin ko, at tingin na rin siguro ng ilan, ay dahil sa pinamumukha ng media na ang flat na tyan ay kaakit akit at may K i-post sa facebook ang kanilang katawan at madaming mag llike nito ng hanggang 100+, tapos sasaya sila dahil madaming mag ccomment tulad ng “wow!”, “witweeeew”, “Sexy”, sabay rereply si girl ng “thank you”. Hanep teh, ikaw na talaga. J Ang magandang pangangatawan ay isa sa mga kayamanang hindi kayang manakaw. Tama ako diba?:) TANONG: Pero ang pag ppost ng naka two piece na nakabilad sa araw at ang pagtatanggal ng damit, ititira mo lang ang bra at panty sa harap ng maraming tao…May pagkakaiba ba? Ano ang resul...

pieces

Strange. No matter how hard i try to be objective on this matter, i keep on going back to where my heart's coming from. Gasping, as i watch him go and leave my sight, he left me with memories that will forever give fervor and melancholy to my heart. It wasn't easy to be left behind and i understand the depression of leaving someone behind as well. The world seems different, no vibrance, no sign of ardor, just plain, incomparable sadness.

PANIBUGHO

Sa pangarap kong maging manunulat, hindi ako nilubayan ng agam-agam na wala akong espasyo sa mundo ng pagsulat. Mahirap kalabanin ang mga kritiko na nabubuhay para usisain ang iyong mga likha ngunit mas mahirap harapin ang sarili mong hindi malaman san huhugot ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pangarap. Lahat naman tayo may nais patunguhan, lahat tayo alam kung saan gustong pumunta, pero iilan lamang ang may lakas ng loob upang tahakin ang daan papunta sa pangarap na yun. Aminin ko man sa hindi, di pa ata naiimbento ang lakas ng loob sa aking mundo. May mga panahong nakakapag sulat ako ng ilang mga bagay ngunit sa gitna ng nagpuputukang liwanag sa aking imahinasyon, bigla itong mawawala at aatakihin na naman ako ng walang kwentang pagkahabag sa sariling likha.Pilit kong nilalabanan ang kritiko sa aking katauhan at alam ko, naniniwala ako na darating ang panahon na lalamunin sya ng aking pagsusumikap at inspirasyon sa pagsulat. Gabi ng araw ng Linggo, binili ko ang isa sa mga l...

IBA'T IBANG MUKHA NG BUHAY...

Sa taong ito, sa hindi maipaliwanag na pangyayare, naka apat na trabaho na ako...Nahihiya man akong sabihin dahil parang napaka gulo ng buhay ko at di ko kayang panindigan ang isang bagay. Ngunit habang ako ay nagmumuni muni dahil bago matapos ang taong ito, may bago akong trabaho...Sa isang call center ulit, sa may overpass..Hindi totoo ang mga sinasabi ng tao na lahat ng mga nasa call center, walang modo, puro yabang lang ang alam, nasa loob ang kulo... madaming mga bagay ang naihalintulad sa mga tao na nasa call center. Isa lang naman ang ugat nun, dahil isa o dalawa sa makikilala mong nasa industriyang yun ay pinakitaan ka ng di maganda kaya nilahat mo na sila kahit di naman totoo at wala kang sapat na ebidensya. Sa aking pagpalipat lipat ng trabaho, madami akong nakilala, iba't ibang kwento simula sa step 1 na initial interview, sa pangalawang step na exams na, at sa huling proseso, ang final interview...madami akong napapakinggan na mga kwento ng buhay kung bakit sila andu...