Sa frontpage ng isang tabloid: JUSTIN BIEBER, KAKAPUNIN,
PAPATAYIN!
Bilang isang ordinaryong mamamayan na minsang kinilig sa
isang kanta ni justin bieber noong hindi pa sya sikat ay pakiramdam ko medyo
lumagpas na sa poot ang nararamdaman ng taong nais gumawa ng ganito sa naturang
mang-aawit. Hindi ako panatiko ng batang ito pagdating sa mga musika na kanyang
pinauso, marahil ay tumatanda na ako at di ko na alam ang uso pagdating sa mga
tugtugin ng patok na jeep. Ewan ko lang ah, maliban sa maging jowa ni Selena
Gomez, na napabalitang hiwalay na sila dahil bading pala si Bieber, ay wala na
akong alam na krimen na nagawa nya. Di ko sya kinakampihan dahil gusto ko ng
matigil ang kahibangan nyang kumanta ng baby baby baby oooohhhh!! Ang akin
lang, nasobrahan na ata sa vetsin ang mga detractors nya at ninanais na nilang I-salvage
ang lalaki. Infairness, di pa sya nag eeffort mang inis nyan ah! Wish ko, sana
mang inis sya at ng mapag pyestahan ng halakhak ang mga sobrang apektado sa ‘existence’
ng isang Justin Bieber. Hahaha…keber lang mga teh!.:)
Comments