Sa pangarap kong maging manunulat, hindi ako nilubayan ng agam-agam na wala akong espasyo sa mundo ng pagsulat. Mahirap kalabanin ang mga kritiko na nabubuhay para usisain ang iyong mga likha ngunit mas mahirap harapin ang sarili mong hindi malaman san huhugot ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pangarap.
Lahat naman tayo may nais patunguhan, lahat tayo alam kung saan gustong pumunta, pero iilan lamang ang may lakas ng loob upang tahakin ang daan papunta sa pangarap na yun. Aminin ko man sa hindi, di pa ata naiimbento ang lakas ng loob sa aking mundo. May mga panahong nakakapag sulat ako ng ilang mga bagay ngunit sa gitna ng nagpuputukang liwanag sa aking imahinasyon, bigla itong mawawala at aatakihin na naman ako ng walang kwentang pagkahabag sa sariling likha.Pilit kong nilalabanan ang kritiko sa aking katauhan at alam ko, naniniwala ako na darating ang panahon na lalamunin sya ng aking pagsusumikap at inspirasyon sa pagsulat.
Gabi ng araw ng Linggo, binili ko ang isa sa mga libro ni kuya eros atalia. Hindi ko masasabing pareho sila ni Bob Ong na nauna ko ng naging idolo sa pagsulat ng satire. Iba ang atake nya, hindi ko masasabing komplikado ngunit di ko rin masasabing simple ang kanyang mga akda. Malalim, tila isang balon na puno ng yaman sa kaibuturan nito. Ito ang paraisong nais kong marating. Puno ng tawanan ngunit puro hinagpis na inaalihan ng pag-asa na may magbabago.
hindi ko hangad na mang gaya, kasalukuyan ko pang hinahanap ang sarili kong isitilo sa paglikha ng mga ganitong sulatin. Utang ko sa mga awtor na ito ang aking lakas ng loob na iniipon ko para kahit mamatay ako bukas, may ngiti sa aking mga labi at sasabihing, ginawa ko ang nararapat.

Comments