Marahil ay hindi na kaila sa lahat ng nilalang sa mundo na
ang isa sa mga pangarap ng isang babae ay pumayat o hindi kaya’y maging sexy na
tipong aarkilahin na sila para mag pose sa isang magasin o kalendaryo. Walang
sayantipikong eksplanasyon kung bakit kinababaliwan ng kababaihan ang konsepto
ng pagiging sexy. Ngunit, (hindi ko aangkinin ang ideya) sa tingin ko, at
tingin na rin siguro ng ilan, ay dahil sa pinamumukha ng media na ang flat na
tyan ay kaakit akit at may K i-post sa facebook ang kanilang katawan at
madaming mag llike nito ng hanggang 100+, tapos sasaya sila dahil madaming mag
ccomment tulad ng “wow!”, “witweeeew”, “Sexy”, sabay rereply si girl ng “thank
you”. Hanep teh, ikaw na talaga. J
Ang magandang pangangatawan ay isa sa mga kayamanang hindi
kayang manakaw. Tama ako diba?:) TANONG: Pero ang pag ppost ng naka two piece
na nakabilad sa araw at ang pagtatanggal ng damit, ititira mo lang ang bra at
panty sa harap ng maraming tao…May pagkakaiba ba? Ano ang resulta ng gantong
eksena…mababastos ng mga, sabihin na nating ‘naakit’ nila. Magagalit ang babae,
bakit? Nabastos daw sya. Bakit sya nabastos? Unang una, may mambabastos ba kung
walang mga larawan na maaring pagmulan ng mga makamundong pag iisip ng ibang
tao? Di ko alam…Nagtatanong lang…
Sa bagay, ayon sa kasabihan na “if you have it, flaunt it”,
maari mo naman ipakita ang nararapat… baka may mangatwiran na, may mga lugar na
kelangan ng “proper swimming attire”. Yes naman! Tama ka dyan! Pero sinabi
bang, “wear proper swimming attire and take a photo of yourself, post it in
your Facebook account”…Pag meron nang ganyan ngayon, magpapakamatay na lang ako…Nabubuhay
na lang ata ako sa kasinungalingan.hahaha.
Baka malasin, ipadakip na ako ng mga kilala ko at
ipapapatay. Babae din naman ako, in some ways, kakampi ako ng kababaihan, kaya
nga gusto ko magtakip takip ng konti ng hindi mabastos…Mabuhay ang nakaimbento
ng damit!:)
Di pa pala ako tapos…Mabalik tayo sa titulo ng aking
kabaliwan din, bakit nga ba adik ang mga babae na pumayat kahit di naman kaya?
Kasi ayun ang sabi sa tv! Thin is in daw! E kung sa malaki yung buto mo,
ipipilit mo bang maging kasing payat ni Kim Chiu? Ikaw bahala, sige…Para sa
Women Empowerment, isunusulong ko ang paniniwala na wala sa taba ng bilbil ang
sukatan upang masabing ikaw ay sexy…feeling ko nasa taba ng utak din minsan ang
depinisyon ng pagiging sexy…J
Silang isang nurse, inirerekomenda ko ang maging physically
fit, ang pagkain ng tama, pag eehersisyo at tamang balance sa stress at
relaxation. Hindi kelangan ang pagkain ng itlog lamang, ng salad lamang, ng biskwit
lamang, dahil hindi lamang sa mga pagkaing ito nakukuha ang bitamina at lahat
ng kailangan n gating katawan upang maging matatag.
Media. Wag silang hayaan na magdikta ung ano ang depenisyon
ng pagiging maganda, o kaakit akit sa paningin ng tao. Wala sa panlabas na
kaanyuan ang saysay ng isang tao,nasa puso at pag iisip, tanging sarili mo lang
ang makakatulong sayo para makamtan ang kaligayahan na tanggapin kung ano ang
meron ka.
*BOW*
Comments