Skip to main content

IBA'T IBANG MUKHA NG BUHAY...

Sa taong ito, sa hindi maipaliwanag na pangyayare, naka apat na trabaho na ako...Nahihiya man akong sabihin dahil parang napaka gulo ng buhay ko at di ko kayang panindigan ang isang bagay. Ngunit habang ako ay nagmumuni muni dahil bago matapos ang taong ito, may bago akong trabaho...Sa isang call center ulit, sa may overpass..Hindi totoo ang mga sinasabi ng tao na lahat ng mga nasa call center, walang modo, puro yabang lang ang alam, nasa loob ang kulo... madaming mga bagay ang naihalintulad sa mga tao na nasa call center. Isa lang naman ang ugat nun, dahil isa o dalawa sa makikilala mong nasa industriyang yun ay pinakitaan ka ng di maganda kaya nilahat mo na sila kahit di naman totoo at wala kang sapat na ebidensya.

Sa aking pagpalipat lipat ng trabaho, madami akong nakilala, iba't ibang kwento simula sa step 1 na initial interview, sa pangalawang step na exams na, at sa huling proseso, ang final interview...madami akong napapakinggan na mga kwento ng buhay kung bakit sila andun... Ang usapan sa mga nakasalamuha ko sa loob na mismo ng kumpanya ay ibang kwento.:))
Mabalik tayo sa mga kwentuhan na naganap habang ako ay nag aapply. Netong nobyemre ako nag apply, 2 kumpanya lang naman ang sinubukan ko, yung isa di ko tinanggap kasi tokis sila masyado, pakitang gilas lang walang isang salita kaya inisnab ko na. Pero sa kumpanyang eto nakilala ang mga kahindik hindik na mga kwento.

Isa sa mga nakilala ko ay si Mel (di tunay na pangalan), sa unang interview 25 kami, at isa isa kaming magsasalita sa wikang ingles at ipapakilala mo lang naman ang sarili mo, no sweat. Hindi ako nagmamagaling o kahit ano, pero kung gusto mong tumawa ng maiiyak ka talaga sa tawa, the place to go? mag apply ka sa call center!:) Alam ko may isang anggulo sa mga pinag sasabi ko ay panlalait kaya ititigil ko na..ikkwento ko na lang si mel. Nagtapos sya ng Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas. Ninais nya maging abugado ngunit nagkaanak sya ngunit iniwan sya ng kanyang irog, ng kanyang boyfriend...Di natuloy ang kanyang pag aabugado, nag take daw sya ng nakalimutan ko na anong exam yun pero nakapasa na sya dun para maging isang pulis. Policewoman. Ni minsan di ko naisip na makakakilala ako ng policewoman! Hanep talaga..:) Madaldal sya, isa lang tinanong ko sa kanya pero halos naikwento na nya buong buhay nya sakin; single parent sya, may boyfriend sya ngayon, namatay yung tatay nya at pangarap para sa kanya nito ay maging pulis,.Nag usap lang kami nun dahil naghihintay ako sa final interview. Kahit di ko na matandaan yung tunay nyang pangalan, naalala ko padin mga sinabi nya.hahaha.

Isa ulit sa mga nakasabay ko sa interview, dalawa kaming pumasok, lalaking lalaki sya, (yung kasama ko) kabado, pinagpapawisan ang kanyang mga palad, nakayuko sya nung pumasok kami sa interview room. Sa sitwasyong ito, 2 mukha ang nakita ko na madalas mo din masisilayan sa ating lipunan. Sa pag uusap nila na ako'y nakatanghod lamang sa mga tanong  at sagot na narinig ko, yung nag iinterview parang halimaw na kinain ang kasama kong lalake, sinabihang sinungaling at walang alam dahil sa hindi makapag paliwanag ang kasama ko ng malinaw sa wikang ingles. Nursing student ang lalake, alam ko ang nararamdaman nya ng sabihin nyang hindi nya alam kung may magiging trabaho syang maayos pagkatapos nyang mag aral at dahil mag isa lang sya nabubuhay hindi praktikal na kumapit sa paniniwalang ang pagiging nars ang magpapayaman sayo, lalo na kung andito ka sa Pilipinas. Habang nagsasalita ang interviewer at binibigkas ang mga masasakit na salita gusto ko na lang maglaho na parang bula.Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin...

Para sa ikatlo kong representasyon ng mukha ng buhay, ang grupong ito sa lipunan ay unti unti ng natatanggap at habang tumatagal ay nagkakaron ng puwang upang patunayan ang kanilang mga sarili. Madami akong nakikilala na kabilang sa ikatlong kasarian. Magkakaiba man ang kanilang kwento, mayroon silang isang bagay na pagkakapareho; ang inspirasyon para patunayan na sila ay hindi iba sa babae o lalake. Likas sa kanila ang pagiging pala kaibigan at madaldal kaya madali mo silang makakagaan ng loob, Hindi ko na lang sila kkwento sa dahilan na sigurado ako na walang tao sa Pilipinas na walang kaibigang bading o tomboy.:)

Hindi dahil sa call center na ako nagawi, hindi ko din ipagkakaila na maramin rin akong napansin na kawalang hiyaan na nagaganap, para sa susunod na lang yun, pag handa na akong kuyugin ng mga matatamaan.

PEACE.





Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...