Hindi ko mawari kung ano meron sa katauhan ko bakit di ko magawang maging kikay...
Isa sa mga kahinaan na aaminin ko ay wala akong alam sa make-up, sa fashion, sa mga bagay na pinapahid sa katawan, mukham at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung babae talaga ako o sadyang ginawa ako para maging pusong babae lang? Malimit akong tuksuhin ng mga katrabaho ko na bakla daw ako, isa sa mga dahilan nila ay ang kamalasan kong hindi ako nakatanggap ng biyaya sa usaping dibdib. At dahil na rin sa liban sa mukha lang akong tahimik, hindi ako ugaling babae. Sabi lang nila yun...
Kasi pakiramdam ko naman babae ako, hahaha. Sa puso at diwa, di nga lang bebenta sakin ang karamihan na naka display sa mall. :) Isipin mo, naisip ko kasi ang malls ay alay ng mga ninuno natin sa kababaihan. Tignan mo, bilangin mo ang lahat ng tindahan ng damit, accessories, make up, burloloy na walang gamit, sa mga malls kumpara sa mga tindahan na pang lalake. Ang kababaihan ang may pinakamaraming gastos at luho sa katawan, na hindi ko alam bakit di ko magawang gsutuhin. Ahm...ok lang naman sakin ang make-up pero makati kasi, ang damit na pinapares sa iba't ibang kulay at dapat tama ang hikaw, kwintas na ipapares mo sa damit, kaya lang di naman bagay sakin, ipipilit ko pa ba?
May boyfriend naman ako, mukhang ok lang naman sa kanyang tomboy ako.hahaha..Ewan ko lang pala, di ko pa sya natatanong e. Wala naman akong angal sa pagkakalikha ng buhay ko, ang problema ko lang talaga, nahihirapan ako maka relate sa ibang mga babae.
Buti na lang may mga kaibigan paring nagtyaga sa kabaliwan ko, ay i rephrase natin, buti na lang may mga taong kapareho ko ng kabaliwan.salamat!!:))

Comments