Parang kelan lang, yung mga kaibigan at kakilala ko noong ako'y nasa kolehiyo pa lamang, ang ilan sa mga problema lang namin ay saan kami kakain ng lunch, anong movie ang papanoorin namin, sinong may id na may pikchur at birthday para makabili ng alak sa supermarket. Makalipas ang mahigit isang taon, mukhang madami ng naganap sa kani-kanilang buhay. Nagpapasalamat ako sa Facebook at iba pang social media networking sa pagbibigay sa kin ng mga latest gossips and happenings sa mga kakilala ko.
Ilan sa kanila ay nagka boypren na sa wakas, ilan...ahm dumarami sa kanila ay nagkakaanak na, bonggang cute ng mga babies nila, kaya minsan pag nabubukas ako ng Facebook pakiramdam ko hindi akin yung gamit kong account kasi ang daming mukha at sanggol na naglipana sa News Feeds. Ilan sa kanila ay nagppost ng mga litrato ng engagement rings, engagement parties, civil wedding, wedding ng isa pa naming ka batch... Ganyan na ang usual eksena sa aking mga kaibigan at kakilala.
Wala naman akong gusto ipahiwatig...Parang kailan lang kasi, noong mga panahong kami ay nasa gitna ng chismisan, wala pa sa aming isipan ang pag aasawa, pagkakaroon ng anak at paglagay sa tahimik..hahaha..Pero eto na..Di na ako magugulat kung maimbitahan na ako sa isang kasal, excited na ako!
Ako'y edad 22 pa lamang, di ko alam kung kailan ako makiki jamming sa hype na nangyayareng ito. Sa kabilang banda, naisip ko, di naman nagkakalayo mga edad namin, 22, 23, 24 years old...Murang-mura ang edad sa usaping pagpapamilya at pag-aasawa. Wala akong gustong sabihing masama, tanging opinyon lamang ng nagmamasid, natutunan ko sa kanila na wala sa hustong edad ang kahandaan sa mga ganitong usapin, ngunit nasa tamang pagdedesisyon, maliwanag na pagiisip at di lamang pag-ibig ang pairalin. Di ko alam kung lalabas akong nagmamalinis sa blog kong to, pero dahil meron paring freedom of speech sa Pilipinas, wala na lang basagan ng trip..:D

Comments