Skip to main content

Ang Kahibangan ng mga babae sa pagpapapayat *bow*



Marahil ay hindi na kaila sa lahat ng nilalang sa mundo na ang isa sa mga pangarap ng isang babae ay pumayat o hindi kaya’y maging sexy na tipong aarkilahin na sila para mag pose sa isang magasin o kalendaryo. Walang sayantipikong eksplanasyon kung bakit kinababaliwan ng kababaihan ang konsepto ng pagiging sexy. Ngunit, (hindi ko aangkinin ang ideya) sa tingin ko, at tingin na rin siguro ng ilan, ay dahil sa pinamumukha ng media na ang flat na tyan ay kaakit akit at may K i-post sa facebook ang kanilang katawan at madaming mag llike nito ng hanggang 100+, tapos sasaya sila dahil madaming mag ccomment tulad ng “wow!”, “witweeeew”, “Sexy”, sabay rereply si girl ng “thank you”. Hanep teh, ikaw na talaga. J
Ang magandang pangangatawan ay isa sa mga kayamanang hindi kayang manakaw. Tama ako diba?:) TANONG: Pero ang pag ppost ng naka two piece na nakabilad sa araw at ang pagtatanggal ng damit, ititira mo lang ang bra at panty sa harap ng maraming tao…May pagkakaiba ba? Ano ang resulta ng gantong eksena…mababastos ng mga, sabihin na nating ‘naakit’ nila. Magagalit ang babae, bakit? Nabastos daw sya. Bakit sya nabastos? Unang una, may mambabastos ba kung walang mga larawan na maaring pagmulan ng mga makamundong pag iisip ng ibang tao? Di ko alam…Nagtatanong lang…
Sa bagay, ayon sa kasabihan na “if you have it, flaunt it”, maari mo naman ipakita ang nararapat… baka may mangatwiran na, may mga lugar na kelangan ng “proper swimming attire”. Yes naman! Tama ka dyan! Pero sinabi bang, “wear proper swimming attire and take a photo of yourself, post it in your Facebook account”…Pag meron nang ganyan ngayon, magpapakamatay na lang ako…Nabubuhay na lang ata ako sa kasinungalingan.hahaha.
Baka malasin, ipadakip na ako ng mga kilala ko at ipapapatay. Babae din naman ako, in some ways, kakampi ako ng kababaihan, kaya nga gusto ko magtakip takip ng konti ng hindi mabastos…Mabuhay ang nakaimbento ng damit!:)
Di pa pala ako tapos…Mabalik tayo sa titulo ng aking kabaliwan din, bakit nga ba adik ang mga babae na pumayat kahit di naman kaya? Kasi ayun ang sabi sa tv! Thin is in daw! E kung sa malaki yung buto mo, ipipilit mo bang maging kasing payat ni Kim Chiu? Ikaw bahala, sige…Para sa Women Empowerment, isunusulong ko ang paniniwala na wala sa taba ng bilbil ang sukatan upang masabing ikaw ay sexy…feeling ko nasa taba ng utak din minsan ang depinisyon ng pagiging sexy…J
Silang isang nurse, inirerekomenda ko ang maging physically fit, ang pagkain ng tama, pag eehersisyo at tamang balance sa stress at relaxation. Hindi kelangan ang pagkain ng itlog lamang, ng salad lamang, ng biskwit lamang, dahil hindi lamang sa mga pagkaing ito nakukuha ang bitamina at lahat ng kailangan n gating katawan upang maging matatag.
Media. Wag silang hayaan na magdikta ung ano ang depenisyon ng pagiging maganda, o kaakit akit sa paningin ng tao. Wala sa panlabas na kaanyuan ang saysay ng isang tao,nasa puso at pag iisip, tanging sarili mo lang ang makakatulong sayo para makamtan ang kaligayahan na tanggapin kung ano ang meron ka.
*BOW*

Comments

Unknown said…
AMEN. Very well said Ms. Surat :)
RV said…
HAHAHA..LOKO KA BEBE AH!!:)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...