Skip to main content

Puppy Love

Sa dami ng naiisip ng bawat tao sa isang araw, kulang pa ang isang notebook para mailista mo lahat ng pangit, maganda, nakakatuwa, nakakaiyak na mga kaganapan. Sa dami ng naiisip ko at mga bagay na naisulat ko na, hindi pa ako nakasulat ng isa tungkol sa paborito kong baby dog...si Ading. 😊

sa kasalukuyan, si ading ay 10 years old. Jutanders na kung iccompute mo sya sa dog yeara.Kaya mo na mag compute..:) Isang maliit, puti, mataba at mabalahibong aso. Hindi sya katulad ng ibang aso na hobby tumahol at magalit sa mga tao. Si ading, para syang naka mute na aso, bihira gumawa ng tunog. Di rin sya snob. Pag may bisita, manlalandi pa yan. kung hindi sya lalapit agad, magpapa cute muna yan, puppy eyes, para tawagin sya. Minsan, yung bisita pa mahihiya sa takot nila sa aso, kasi hindi aso si ading!!!!isa syang...laruan, na humihinga. haha..ok, i'm not making anybsense. ngunit, subalit , datapwat...kaya ako gumawa ng something tungkol sa kanya kasi, naiisip ko paano ako mag ccope up kung mamamatay sya. Yung aso naming kaedad nya, namatay na, 2 or 3 years ago...Hindi ko alam kung mababaw bang isipin na hindi ko kaya pag mawawala si ading. Isa syang silent observer, sweet listener, at siguradong di nya ipagkakalat ang mga ipinagkakatago kong mga secrets na sa kanya ko lang sinabi. Nasaksihan nya ang mga bagay na di dapat malaman ng ibang tao. Mahirap isipin, pero 10 years old na sya.Nakukulubot na yung skin nya, mas mabagal na sya kumiloa, yung mata nya, parang may cataract na, at minsan nabibingi na rin. Pero ni minsan hindi sya nagbago sa lambing nya at bait...

Ilang beses na syang nanganak, ni isang beses, wala syang kinagat na kahit sino sa oamilya namin pag knkuha ang isa sa mga tuta nya. Ganun sya kavait, titignan ka lang na kubg ano gagawin mo sa baby nya, lalapit sya sayo khabang buhat mo yubg puppy, tas titignan ka lang nya. Saan ka makakakita ng ganyan aso?punyetang yan!

Naiisip ko palang na wala nang sasalubong sakin tuwing uuwi ako, o di kaya, ei na ako magigising na puting balahibo na ang makikita ko pagmulat, kasi sa unan ko sya nakatambay, wala nang furrball na kinakausao ko pagkadating galibg trabaho. Ang emote emote ko na agad, pero wala pa naman nagaganap kay ading..

Kahit sa aso may forever love...gusto ko pa sana na maabutan ni ading na magkaasawa ako at magkaanak...ooops! boypren nga wala..mahihirapan ata si ading. pero wish ko yun..

Comments

REYNER said…
cute naman ni Ading. Bakit Ading? Curious lang. Hahaha... Nakakarelate ako. Tayong mga pet owners ay may tendency na ibulalas ang ating mga kaligayahan para sa ating mga alaga. Katulad ng alaga kong si katniss. http://reyner-anjelique.blogspot.com/2015/04/katniss.html
Anonymous said…
Si Ading na marami ng nasaksihan? :)
RV said…
do i know you anonymous person? hhhmmm..oo madami nang alam 'tong si Ading.CCTV sya na hindi pwedeng i playback. safe ang mga sikreto. hahaha.

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...