Skip to main content

PMS-ing made me write

dahil im pms-ing,I got gazillion cravings and emote episodes the whoooole weekend, I was able to start writing my project script! I got characters already, the story line, the twists and turns but no ending yet..also,I kinda feel discontented with the introduction I did, I was so depressed last night, I wasn't able to incorporate humor! twas supposed to be a rom-com shit, tas walang comedy! Kaabnormalan ko talaga kagabe.

I was in my usual reading place, konti lang tao, peaceful. I enjoyed their playlist last night, very nature loving, tagalog kasi, pero hindi tipong Aegis ah! Basta! So yun nga, since I woke up andami kong thoughts na di ko malaman san ilalagay, tinatamad naman ako magsulat nung nagising ako..pero nung mag isa na ako ayan na syempre, wala naman na ako magagawa kasi kelangan ko na talaga isulat..kahit puro sadness lang naman..sinapian ata kasi ako kahapon, kaya eto na sila:

so, literally, I was drowning with my own thoughts yesterday, I got so emotional, I cried while I was writing some of the words. Minsan ang kaabnormalan ng emotions ko malala, lalo pag nag ppms ako. hindi lang naman ata ako ang me hormonal imbalance at emotional instability sa mundong to, so i hope normal pa akong tao. Pero mabanggit ko lang, nabasa ko na nagpapa workshop si Ricky Lee, sabi sa interview nya, isa sa mga hinahanap nyang writer ay yung may toyo, baliw ganon. Iniisip ko, lahat ba naman tayo may toyo, me sariling kabaliwan, so lahat ng tao kaya magsulat? Ewan ko. di ko alam bakit ko pa sinabi to dito, leche.

Gusto ko ng takoyaki. mga 23 pieces na takoyaki.tengene.

drowning...

yung kanta ng backstreet boys. 'everytime I breathe I take you in, and my heart beats again, baby I kent help eeet,, keep me drownin in yer laaaf'

drowning..

what words could even explain how your brain can drown you?
with dark thoughts, and succulent dreams,
with deep-seated regrets and sky-scraping hopes
with stone-cold depression and rainbow color bliss
with oblivion, despair and a touch of exhilaration

what words could even explain how your brain can save you?
.
.
.
there's only one word..love.<3

Nag emote ako kahapon, sa pagitan ng usok, sa pagitan matapang na kapeng di ko nilagyan ng asukal, para medyo magpalpitate ako sa katotohanang, hindi naman nya ako kayang mahalin.charot!naghahallucinate lang ako..naghahabi ng katotohanan at panaginip, naglililok ng mga damdaming puno ng sakit, na pwedeng tawanan..pero,

sa bawat pintig ng puso,
sa bawat patak ng luha,
iisang alaala lamang ang humuhulma sa isipan,
ang matamis nyang ngiti, sa pagitan ng mapait nyang pamamaalam,

Kadalasan mas gusto ko ng sasabihin sa kin yung mali, kung ano yung nangyare bakit ayaw na nya, bakit kelangan itigil, kesa yung naghihintay ka sa wala, naghihintay na mabaliw ka na lang kakaisip..Pero sabi nya nila, ang closure na hinahanap mo, minsan hindi na sa pag uusap nakukuha, kundi sa ideyang ayaw ka na nyang kausap.

Kung makakapagpa buhay lamang ang mga salita,
hahabi ako ng mga pangungusap na makapagpabalik ng namatay nyang pag-ibig.

kung maibabalik lang ng mga salita ang masaya nyang tinig at gigil nyang tawa
hahabi ako ng pangungusap na magbibigay sigla sa kanyang bawat umaga..
gusto kong pilitin, hanggang sa di ko na kaya..

Pero hindi naman one sided ang love. Pag ayaw na ng isa, hindi mo na pwedeng ipilit, kasi sa huli, ikaw lang din naman ang iiyak.

Kung maibibigay ko lamang lahat ng hinahanap nya,
hinamak ko na sana ang karagatan,
nilipad ang himpapawid,
tinakbo ang buong kapatagan,
inakyat ang kabundukan..
ngunit, hindi naman yun ang nais nya, dahil sa puso nya, hindi na ako ang hinahanap nya.


Bakit ganun nu?

Gusto ko ng mangga,.na may bagoong alamang chaka patis.

Haaaaay. hirap maging babae.

Lagi kong sinasabi na masakit magmahal, hindi naman talaga masakit..Kasi ang magmahal ang isa sa mga pinakamasayang gawin sa buhay..ang hindi ka mahalin ng taong mahal mo ang masakit. masaklap pa sa dilis na kinain ng mas malaking isda.

Tapusin ko na lang to, naisulat ko na sa papel yung iba eh.nakakapagod mag isip.

end.

Comments

Anonymous said…
https://hannahgabi.bandcamp.com/track/everything-refuses-to-move

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...