Skip to main content

Walang Art sa pagiging Alone

Nung naisip ko isulat to, ang naisip kong title agad, "the art of being alone". Nag google ako, masyado nang madaming gumamit ng gantong title..masyado na atang madaming alone sa mundo. O aminin na natin sa ating mga mapagkailang budhi, na walang gusto maging mag-isa.

Kaya habang tinititigan ko yung mga sa salitang "Post a title" sa me title box..bigla kong naisip ang science. Science..yung favorite mong subject nung grade 1..Ano nga ba ang kahulugan ng science? Kinunsulta ko ulit si google..eto ang pinaka gusto kong definition, at gusto kong gamitin sa kontekstong bet kong baybayin: "Science is the concerted human effort to understand, or to understand better, the history of the natural world and how the natural world works, with observable physical evidence as the basis of that understanding"

Ano ibig sabihin nyan? Ewan ko. 

Ang chika eh, ang siyensya o agham daw ay isang.. wait! disclaimer muna, ito ay ayon sa pagkakaintindi ng mura kong pag iisip. :p so ayun na nga,ang agham o siyensya, ay isang paraan ng sangkatauhan na unawain o mas palawakin pa ang pag unawa, ng kasaysayan o pinagmulan ng ating mundong ginagalawan, kung paano ito gumagalaw (hirap itagalaog shet!) o gumagana, o nabubuhay, ayon lamang sa mga nasisinayan nating ebidensya. Kung irerelate natin sa pagiging alone, sabi ko nga hindi art ang pag-iisa..wait define naman natin ang ibig sabihin ng ART, para me comparison at mas kapani-paniwala mga sinasabi ko..:p 

Ang art o sining, according kay google: "the expression or application of human creative skill and imagination, typically in a visual form such as painting or sculpture, producing works to be appreciated primarily for their beauty or emotional power." Pinili ko talaga yang definition na yan para malayo, char! So itagalog ko ulit. Ang art o sining, ay ang pagpapahayag ng pagkamalikhain at lawak ng imahinasyon.." Kelan ka pa naging malikhain pag mag isa ka? Ok, biased talaga yung sagot ko, kasi pakiramdam ko parang mas makatarungan gamitin ang siyensya sa pag-iisa ng tao. 

Tulad ko, ang pagiging alone ko ngayon, kelan ko lang din naisip na pinili ko pala talaga maging ganto. Una, kaya ko sinabi mas applicable ang science, naimbento para umintindi..ang art, naimbento para ihayag ang sarili. Get mo?

Pag mag isa ka, napakadaming pwede intindihin, simula sa kung bakit nililibag ang tao, kung bakit napapanis ang pagkain, kung tama bang naimbento ang footbridge sa pilipinas kung trip naman ng tao makipag patintero sa mga sasakyan, hanggang sa pag unawa sa mga taong nang iiwan, nawawala na lang bigla at mga taong walang alam gawin sa buhay kung hindi magpaiyak ng ibang tao? Ang sining, ang goal nyan, ipakita sa ibat ibang klaseng medium kung ano ang trip o emosyon ng gumawa. 

Naisip ko, baka ang sining eh isang sangay lang ng agham..dahil pag naintindihan mo ang isang bagay, kaya mo syang ihayag sa kahit anong paraan. O hindi ganon ang intensyon ng art? Kasi pag nag pent (paint kunyare) eh kung ano lang stroke na alam ng kamay kong wala namang alam ikulay kundi black..tipong kahit di ko naman gets sarili ko, kaya ko padin mag produce ng 'art'. Pero ang science, hindi ganon, dapat mo syang intindihin.

So ano nga ang science sa pag-iisa? 

Sa mundo ng alone-ness, naiintindihan mo kung bakit hindi naman talaga nakakalungkot maging mag-isa, kung bakit alam mo kung anong gusto mong makamit sa buhay, kung paano mo sila makakamatan at kung kanino mo ito ibabahagi. Mas naiintindihan mo ang mga bagay na hindi naman normal na maiisip ng ibang, okupado ng salitang 'relasyon', o gawin nating mas nakakairita 'relationship goal'. Mas nakikikilala mo ang sarili mo, sa iba't ibang aspeto, mas nabibigyan mo ng panahon ang mga bagay na hindi mo magagawa pag me shotabels ka, tulad ng pagmimina, char, wala kasi akong maisip bigla. huminto eh.

Pero sa totoo lang, ngayon? hindi naman ako nalulungkot pag mag isa ako, kumpara sa mga kakilala kong di nabubuhay ng walang lalake o shotabels. Oo, may mga panahon na nakaka-miss, pero parang ayaw ko mag lablayp hanggat di ko pa nakukuha lahat ng gusto ko sa career ko. At higit sa lahat, hindi ko na alam pano ang merong someone... Eto ang di kaya ihayag ng siyensya, paano nga ba maging like-able, maging gf-kind of person? At sa totoo lang din, ang mga taong matagal nang mag isa, yung mga nasanay na mag isa, (tulad nung bestfriend kong more than 1 decade na nagmamahal ng isang taong wala naman nang pag asa na balikan sya) mahirap mahalin. Kasi hindi nila alam, kung san ka nila ilulugar sa buhay nilang, wala naman nagbigay ng atensyon sa kanila for the longest time. 

Ngunit, subalit, datapwat..ang pag iisa, ayon sa aking paniniwala, ay hindi forever. Lahat ng tao, ay dinesenyo ng dalawahan..wag tatluhan o maramihan..magkaka riot.
may panahon na dadating ang soulmate..pero pano kaya kung pareho kayong naghihintayan nu? Gaano kasadlak ang buhay na ganon?

yun lang. 





Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...