Skip to main content

Death Wish

Minsan pag tinotoyo ako ng mga tanong kong wala sa lugar kung maisip, itatanong ko yan kung sinong kasama ko..a few weeks ago, habang nagkkwentuhan kami ng isang kaibigan, habang kumakain ng pilsen, tinanong ko sya out of nowhere, "paano mo gusto mamatay?"

Di ko alam anong brand ng toyo ko nun, pero wala naisip ko lang kasi, madalas ayaw pag usapan ng mga tao ang kamatayan, pero bet na bet pag usapan kung paano mabuhay.Hindi ba mas magandang pag usapan ang kamatayan, kasi ayun hindi mo mapag handaan eh, edi mas ok na alam ko kung paano mo bet mamatay! Parang ganto lang yan, gusto mo maging abogado, pero call center agent ka ngayon. you dont get what you want but you can aspire what you want to be when you grow up! Walang sense. oo na! Sabi kasi ng isang hindi ko kilala, "Life and Death are just two sides of the same coin". So bakit mo iisnabin ang isang pisngi ng piso mo kung isang buo mo naman yan ipinang babayad? Di ko alam kung ano anong lumalabas na analogy sakin today! baka dahil to sa hindi ko pa pag jebs, kahit na jjebs na ako! Inuuna pa kasi tong pag bblog kesa pag eerna! Ippush ko to!

Ayun nga, so diba tinanong ko si friend..sabi nya 'old age'. Sabi ko, ako gusto ko mamatay ng maaga, ayoko tumanda ng sobra..Hindi ko rin alam bakit ganun ko gusto. Pero ayokong masagasaan ganon! ayokong mabaril! ayokong masaksak, ayoko malason, ayokong madapa sa tae at mabagok ang ulo sa bato. Gusto ko cancer of the brain ganon! yung masakit! Masokista ako eh, I'm not gonna go there to die,I'm going there to check if I'm alive! Wala na namang konek, di ko din alam sino nagsabi nyan. Basta ang gusto ko lang yung hindi naghihintay ng matagal, tangina, antagal ko nang naghihintay, pati ba naman sa kamatayan kyuwing padin? Wag naman!

Naisip ko, we, human people always say, we need to take care of our body to be healthy..parang sinabi mo lang din na dapat healthy ka para mabuhay ka ng mahaba. Pero bakit walang, for us to stay dead, we have to remain dead. Ano daw?Sabagay,wala nang living proof para magsabi panong mag stay na patay! Ano nga kayang pakiramdam ng patay nu? May feelings din kaya sila? Tas naisip ko aka meron! sa sausage party nga eh me damdamin at angking kalibugan ang mga pagkain, patay pa kaya? Kaya siguro nabuhay ang phrase na 'patay na patay ako sayo', so kelangan mainlab ka para mamatay? Ohmaygaaaad!

Kaya pala! I knew it! to love is to die! OMG! Kaya pala everytime na maiinlab ako, I die a little inside..so yung mga babaerong sinasabi na nagmahal lang sila..ng napakaraming babae, eh mga zombie yun! mga walking dead!

So ganon ko na lang gusto mamatay..magmahal! pareho lang din naman - - ramdam mo sa bawat hibla ng puso't katawan mo yung sakit, pag nagmahal ka ng taong di ka naman mahal!

Ikaw pano mo gusto mamatay? :p

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...