Skip to main content

the remake of horoscope-ing

May isang kaibigan na nakausap ko paminsan, na nakapagpaalala sakin na gumagawa ako ng daily astrology nung high school palang ako.. hulog sya ng langit, since medyo nanunuyo na yung utak ko sa mga trip kong isulat nowadays..At least ngayon meron na akong pagppraktisan. Heniwey..ang mga horoscope na ginagawa ko naman noon eh walang katuturan, yung tipong wala naman talagang scientific basis..ay wala nga naman pala talaga yun, according lang yun daw sa mga galawan ng mga bituin sa kalangitan. Biruin mo nga naman, ang mga bituin na nangungusap at sasabihin na ang mga taong ipinanganak sa buwan ng Agosto ay may angking sayad na di kailanman mapapantayan ng iba, marapat na mag ingat sa araw na ito, dahil meron kang kaibigan na sasabutahe sa OOTD mo. Mga ganon kemerut, minsan naiisip ko kung ang mga horoscope sa mga tabloid ay kinukunsulta ba sa mga psychic or star readers..aba! ang hirap nun ah, gabi gabi kang titingala sa langit, para humingi ng kemerut sa mga bituin..ibig sabihin pala eh, iba ibang stars ang bnbasa ng bawat psychic sa mundo, kasi kahit kelan di pa ako nakakita ng magkapareho na daily astrology sa magkaibang dyaryo o source.

At bago ko pa malait ang mga star readers at tarot kinemerlu..mag ppraktis na lang ako, baka sakaling pede ko na maipabasa sa madlang Pilipino na mahilig sa makinig sa mga hula..

Para sa mga ipinananganak nang 3/21-4/19
Aries

Ang mga bituin ay nagsasabing mag ingat ka ngayong araw. Mainam na iwasan ang MRT ngayon, dahil may uutot na katabi mong pasahero, at di mo mapipigilang magbigay ng komento sa kung ano ang nabulok sa kanyang bituka. Pagsisimulan ito ng matinding argumento, ngunit, sa huli ay magkakapalitan kayo ng numero.

para naman sa mga iniluwal sa mga buwan ng 4/20-5/20
Taurus

Ang chismis ng mga kuliglig,sinabi daw ng ating mga karatig bituin, na ang iyong paggising ngayong araw ay may kaakibat na stiff neck.Ang mabisang daw na aksyon para dito ay wag kang maliligo ng tatlong araw, magpahid ng alkamporado sa muka at leeg, magpakulo ng dahon ng santan, at ito ang ipangligo kasama ng tinunaw na likas papaya, sa pang apat na araw. Maswerteng bagay: lapis

para sa mga pinalo sa pwet ng mga doktora, buwan ng 5/21-6/20
Gemini

Ipinagkalat ng ating mga kaibigang bituin na ang iyong kras sa opisina o sa school eh may lihim na pagtingin sayo. So ngayon, hindi na sya lihim, kasi sinabi ko na sayo..Ang marapat na aksyon ngayon ay magbaon ng piniritong isda, sinigang na kamatis at lumpiang kamote..Ito ang mga sangkap para magkasabay kayo mag lunch ni kras!Maswerteng kulay: Mahogany

para sa mga inire sa mga buwan ng 6/21-7/22
Cancer

Minsan di ko mawari bakit cancer ang tawag sa zodiac na to..ayan din ang iisipin mo ngayong araw, kasabay ng pagninilay nilay mo kung bakit mayroon kang pimple na nangingintab sa ilalim ng iyong kilay. Panatilihing malinis ang iyong paa, ipagpaubaya na ang pangungulangot sa ibang tao ngayong araw,bawal ka mag dial today. Maswerteng damit: cropped top (pag lalaki ka, wala na lang)

para sa mga umiyak nung lumabas sa kemerut ng mga ina nila, sa mga buwan ng 7/23-8/22
Leo

Ang mundo ay bilog..parang muka mo. kung hindi man bilog ang iyong muka, ipagtanong sa una mong makikita paglabas ng iyong bahay,kung ano ang hugis ng ating mundong ginagalawan. Itanong mo na din kung magkano na ang Ariel ngayon, pag sinagot ka nya, bumili ka sa pinakamalapit na suking tindahan ng mga 12 na ariel, at sabihin sa tindera na ipaglalaba mo sya ngayon araw. Isa itong pagkakawang gawa kung gusto mong magkalablayp ngayong taon. Pag di ginawa, magkakabalat sa muka, singlaki ng 20 pesos. Maswerteng kulay: Kahel

para sa mga hindi naipa-abort at iniluwal sa mga buwan ng 8/23-9/22
Virgo

Sa araw na ito, makakapulot ka ng 100 pesos..ngunit nakapatong ito sa mainit-init na jebs ng aso. Ano ang gagawin mo? Ito lamang ang nais kong pag nilay-nilayan mo ngayong araw.
Maswerteng gamit: walis

....ok naputol ang train.
kthanskbye

nagbabalik, after ilang dekada!

Kaya siguro ako nahinto sa Libra, dahil ang mga kababaihang Libra ay..wala basta.hahahaha

para sa mga iniluwal sa lupang sinukuan sa mga buwan ng 9/23-10/22
Libra

Sa araw na ito, ang mga peklat mo ay magpaparamdam. Bumili ng sebo de macho, sabi ng lola ko noon ay epektibo daw itong pang lunas sa mga nagnanaknak na peklat...kung pwede lang gamitin ito sa puso kong puro sugat.char! Sinasabi ng pag aaral (ko) na ang mga libra peeps ay mapagmahal, ipaglalaban ang minamahal sa huli! ma swerteng kulay: puta red!!!

para sa mga hayok sa adventure na iniluwa sa mundong masalimuot, sa mga buwan ng 10/23-11/21
Scorpio

Nang nagsabog ang poong maykapal ng kagandahan at kagwapuhan..naka weeds ka ata at nakasalo ka ng medyo marami rami. Sabi ng mga bituin ngayon ay kelangan mabawasan ang iyong appeal para maging balanse ang kalikasan. Mag ingatsa pagsakay ng tren o bus o di kaya escalator! dahil gagawa ng paraan ang tadhana upang maging biktima ka ng rumaragasang tao, na natatae! Wag magmadali kung hindi ka naman na jjebs, wag mag u-turn kung ang nakasulat ay no left turn. Dahil minsan ang left U yan sa paningin ng mga traffic enforcers na gutom.
maswerteng bagay: manibela

para sa mga iniire lang ng konte lumabas na sa matingkad na buhay ng showbiz, sa buwan ng 11/22-12/21
Sagittarius

kung ang damo ay ginawa dahil sa kabayo..para kanino ginawa ang kabayo? para sa plancha! tama ka dyan. Ayon sa aso kong si ading, magiging makulay ang araw mo ngayon. Sabi nya eh makakadaupang palad mo ang iyong matagal nang hinahanap..na tshirt. hindi lablayp to bes. Matumal na ang bentahan ngayon, wag ka umambisyon! Ngunit para naman sa mga kapatid natin sa kapanalig na may sinisinta, magiging madilim ang inyong araw, hindi dahil may masamang mangyayare, kundi dahil uulan. Marapat na magdala ng payong, sumukob kasama ng iniirog at sabay kumanta ng station id ng ABSCBN.
maswerteng body part: kuko

para naman sa mga pinaglihi sa balut kaya naging balbon nung inilabas sa daang makipot, buwan ng 12/22-1/19
Capricorn

Kung susumahin ang lahat ng nagastos mo sa mga kinain mo noong nakaraang taon, malamang ngayon eh nakabili ka na ng..jansport bag. So ibig sabihin, hindi ka kumain? Anorexic ka? tsk! o wala kang pang kain? So, chinika sakin ng madalang stars sa kalangitan kagabe na dapat magtipid tipid ka, dahil hindi naman sweldo ang araw ng iyong kapanganakan, malas daw sa feng shui yun. Pero mas malas kung maniniwala ka sakin. Kumain ka ng masustansya, para hindi ka mamatay sa gutom at sa mikrobyo.
Maswerteng selpon: Blackberry 9220

para sa mga hindot na mga babaerong kumain ata ng higad.. ay mali pala, Im so sorry..

ulit.

para sa mga birhen nating mga kaibigan na isinilang ng una ang paa sa mga buwan ng 1/20-2/18
Aquarius

Sa bawat luhang pumatak sa unan mo, ay kaakibat ay sipon na malagkit na tutulo din. Maalat yan.
Narinig ko sa karatig planeta natin, na dapat ay magbunyi ka ngayong araw na ito, dahil malalaman mo na ang tunay na talent na ipinagkaloob sayo ng maykapal. Sabi ay, related to sa crayons..oo yugn pang kulay..matututo kang kainin ito! :p joke lang syempre. meron bang kumakain ng crayons? Pero sabi kasi sa feng shui, dapat maging makulay ka sa araw na ito, dahil ito ay magbibigay kaligayahan at mag iimbita ng good vibes para sa kapitbahay nyong galit kay Vina Morales.
maswerteng aso: poodle

pang huli, para sa ating mga nilalang na hindi naipahid kung saan man at ipinanganak sa mga buwan ng 2/19-3/20
Pisces

Ang mga taong isda ay mga swimmers..pero di naman to totoo, kasi madami akong kilala na di naman nalangoy.hahaha. So ang dapat gawin ng ating mga kaibigan sa zodiac na ito ay..matutong manghuli ng biik sa kwadrang may putik! oha nag rhyme pa! sige maging poet na lang kayong mga pisces. Malas ka sa araw na ito..dahil mainit sa araw na ito, kung hindi ka maiiwan ng sinasakyan mo, mallate ka sa pagpasok dahil hindi mo mawari kung ano ang timpla ng chan mo. Mahirap nang abutan ng debate ng intestines mo at mga byproduct ng digestion.
maswerteng buhok sa katawan: sa gulugod

Dito nagtatapos ang unang serye ng horoscope ni Manang Ading Podol. Abangan ang mga susunod na kabanata, na puno ng kahindik hindik na diskurso tungkol sa buhay, pag ibig at walang ka kwenta kwentang alamat ng sunsilk.

Alien!

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman,