Skip to main content

Utak Paa

Hindi ko mawari, o maarok ng utak kong sobrang nabbwisit kung bakit merong mga utak paa na, may malaking issue sa mga babaeng nagbbreastfeed in public.

Anong problema nyo dun?

*syempre hindi pa tapos..aalis lang ako sandali, gusto ko ng lumpia!

Nagbabalik! pero after isang taon, dahil sa kasalukuyan na tntype ko to January 2 na.so para di naman masyadong nakakagimbal na iwan ko tong huli kong entry sa taong 2016, eh punan ko na din kahit konti pa ulit.

So ayun nga,bakit nga ba merong mga shitty human beings na may issue sa mga babaeng nagpapa breastfeed sa public? hindi pa ba to isang normal human activity na tipong alam na ng lahat? tulad ng paghinga..ginagawa mo sa public, pangungulangot, tangina eto ang mas dapat kairitahan eh, lalo na yung pumipitik ng nasundot na freebie sa ilong. Ang pag bbreastfeed ng mga ina kung saan man ay isang bagay na dapat nilang gawin.Gutom ang sanggol, hindi naman maganda ang bottle feeding agad agad sa bata, kaya siguro sabaw yung ibang tao dahil di na breastfeed ng ina nila!

At for sure hindi nila alam ano ang mga benepisyo na pwedeng idulot ng breastmilk sa mga sanggol. Mga utak sabaw! utak na nasa paa. Kakanood nyo yan ng mga teleserye na puro adultery ang issue!! at puro cleavage ang pinapakita ng mga kontrabida!

See, ok lang sa tao ang makakita ng malalswang kalendaryo ng kababaihan, take note!! ginagamit yang sa breastfeeding pero kung makaalma eh ano? parang naviolate ang human rights ng kababaihan, eh pano yung karapatan ng bata sumuso sa ina? mga gago!

Isa pa, yung mga lalake na sinasabing mahiya naman ang mga nanay na nag bbreastfeed sa public, mga ungas nanonood kayo ng porn tapos pag suso ng baby sa nanay malaswa? dontme mga shet.

Anyway..mukang buong taon na talaga akong hayblad..medyo hindi ako nakapag positive and happy thoughts nung new year kasi...ang mga naisip ko lang eh yung sakit na dinulot ng recent kong kaabnormalan. Tama nga lang siguro na ang motto ko eh "i love the things which will destroy me in the end". pa martir ang peg..hahaha

Pero walang konek yung sa breastfeeding. Para sa mga kababaihan na isinusulong ang breastfeeding, mabuhay kayo!!
wag natin pansinin ang mga kaabnormalan ng mga taong nakapaligid sa atin na utak paa. Ganon naman ang tao. laging umaalma pag merong hindi naiintindihan.. Bayaan na lang natin sila maging mangmang sa anatomy ang physiology.charot! hahaha

Yun lang. Di na ako masyado hayblad!:)


Comments

Anonymous said…
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...