Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2017

Sa Panaginip

Matagal na ang huli na tayo'y nagkasama..huling ngiti, huling hawak ng kamay, huling pagkain na magkasama, huling labas kasama ng barkada, huling inom, huling yosi, huling paglalapat ng ating mga labi. Napanaginipan kita kanina. Nasa panaginip ko yung taong akala kong makakasama ko na habambuhay. Soulmate ko. One and only. Best friend. Ultimate Lover. My Joker. My happily ever after...pero sa pinagkahaba haba ng prusisyon ng hirap at sakit, sa huli, ako padin yung sawi. Napanaginipan kita kanina. Nakatingin ako sa kawalan, nasa bandang kaliwa kita, di kalayuan..huminto ka sa paglalakad, nakatingin sa akin, nakangiti. Hindi man ako nakatingin sayo non, alam na alam ko yung ichura mo sa tuwing masaya ka..Lumiliit ang mga mata, lumalabas ang maliit na biloy, at ang mga ngipin mong sing puti ng perlas sa dagat. May kilig ang iyong ngiti, tila walang sisidlan ang galak ng ako'y iyong makita. Napanaginipan kita kanina... Lumapit ka sa akin..."Hi." Hi...

Hihintayin pa ba Kita?

Lumipas ang mga araw, ang mga linggo at buwan na hindi ko na ulit nasilayan yung mukha mong gustong gusto kong panggigilan. Namimiss ko yung sungit mong alam kong hindi naman talaga sungit, basta nasusungitan lang ako sayo...Yung matitipid mong salita, yung mga bahagyang pagpapakita na namimiss mo rin ako. Hindi man kita nakikita, alam kong iniisip mo rin ako. Ngunit, kahit naman sabihin natin gusto natin makasama ang isa't isa..hindi pwede. Parang matinding plaka sa EDSA, na nagsusumigaw na HINDI KAYO MEANT TO BE, WAG NYO NA IPILIT. Pero, pilit man ikaw ilayo ng tadhana sakin, lagi kang bumabalik...gumagawa ng paraan na marinig ang boses kong bisaklat o malaman kung ok pa ba ako. Kanina..naalala kita,naalala ko yung mga panahon na gusto mo ako laging nakikita,na gagawa ka pa ng dahilan para lang mapapunta mo ako o magkita tayo. Namimiss ko yung araw na wala tayong iniisip kundi kung ano lang yung meron sa ating dalawa, hindi alintana yung mga komplikasyon na hindi kasi tal...

Napaisip ang Puso ko

Sa bawat araw na nakakasalamuha ako ng tao, minsan hindi ko na malaman kung totoo nga bang tao yung nakakausap ko o mga alien. Joke lang. Naisip ko lang..dahil sa nagdaan na Valentines day, umulan na naman ng malagintong bulaklak, teddy bear galing blue magic, chocolates na overpriced at medyo lumindol na naman ata sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa pinpractice natin ang pagsasabuhay ng pag-ibig..sa dilim, well may iba na gusto ng maliwanag. *parental guidance is advised* Wala naman konek to sa gusto kong sabihin..Naramdaman ko lang na, kahit pala may sayad ako, masama ugali ko, dahil masyado akong honest nakakasakit na ako ng damdamin ng iba, kahit wala akong pake sa mundo kadalasan, nagtatapon ako ng upos ng yosi sa drainage, at madami akong bisyo maliban sa droga. Despite all these, there are people who still show how special i am in their lives...kahit batiin lang akong happy balentayms or kahit kendi lang eh ansaya saya ko na eh.  Pero dahil mahal ako ng mg...

Work-Related Shitness

I've always been the type of person who sees the good in every human being, to always leave a benefit of the doubt to people because they are what they are for a reason. But sometimes,when all your reserved patience and understanding spills off or already consumed, you see human flaws.. I was told by my boss before that I am the type of person who would want to work alone and will do her best to get to the result by herself, instead of asking for help. The type who will just sit down and work on her own shit, but will seek help once there's no options left. I've been like ever since, but that doesn't mean that I'm not a team player. The common good will always be my goal at work. But a fun fact..not all people think alike. Dahil naputol lang din naman yung englihs thought, tagalugin na lang natin yung kwento ko.. Sa office, hindi naman nawawala yung mga shitty human beings na kelangan mo pakitunguhan araw araw. Mga akala mo napaka hardworking pero halos wala ...

Boy Talk

Sa mga kababaihan ang girl talk ay sagrado, na hindi pwedeng magsama ng kalalakihan dahil sa medyo obvious na mga kadahilanan. Unang una, lalake ang pag uusapan, kaya malamang bawal ang lalake sa girl talk. Ang kababaihan, detalyado magkwento ng mga bagay sa kapwa babae. Halimbawa, may kras ako, yung kras ko pag kinwento ko sa friend ko.."kinikilig ako!!! kinausap nya ako kanina, as usual syempre hindi ko na naman alam ano isasagot ko. Nasa may bintana ako, I was looking outside, and someone approached me from behind, and he said..are you counting the raindrops?...He was soooo dreamy. Nautal ako bes! wala akong naisagot kundi isang malaking no lang. He was smiling at me like I made the best cookies in the world. He asked me where I live and how do I go to and from work. He seems super interested! Kulang na lang ata itanong nya kung may boyfriend ako, syempre sasabihin ko hindi, kahit pa ba meron basta sya nagtanong, single ako agad.." Ganyan magkwento ang babae.. Sa lala...

Green Day today

In this cruel yet wonderful world that we live in, becoming rich is something that most people want. In turn, because of the desire to get ahead of everyone else in this game called, 'nagmamadaling yumaman', humans develop greed and inhumane thoughts towards others, just to reach their ultimate goal. Today is my coloring day, while taking a photo of my finished masterpieces, which I dare say were all dominated with the color green, I suddenly realized something.. That the color green symbolizes dollars -- riches and fame. Then I thought, I don't want my future kids to be obsessed with becoming rich, with getting ahead of everyone else, because what's the sense of it all, if we are all going to die someday? Yes, being filthy rich, you get all the material things that you ever want in life. But, what about when you are in your deathbed? Your greens can pay your hospital bill, but is that your main concern, still? We all die by ourselves, with just the body ...