Sa bawat araw na nakakasalamuha ako ng tao, minsan hindi ko na malaman kung totoo nga bang tao yung nakakausap ko o mga alien.
Joke lang.
Naisip ko lang..dahil sa nagdaan na Valentines day, umulan na naman ng malagintong bulaklak, teddy bear galing blue magic, chocolates na overpriced at medyo lumindol na naman ata sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa pinpractice natin ang pagsasabuhay ng pag-ibig..sa dilim, well may iba na gusto ng maliwanag. *parental guidance is advised*
Wala naman konek to sa gusto kong sabihin..Naramdaman ko lang na, kahit pala may sayad ako, masama ugali ko, dahil masyado akong honest nakakasakit na ako ng damdamin ng iba, kahit wala akong pake sa mundo kadalasan, nagtatapon ako ng upos ng yosi sa drainage, at madami akong bisyo maliban sa droga. Despite all these, there are people who still show how special i am in their lives...kahit batiin lang akong happy balentayms or kahit kendi lang eh ansaya saya ko na eh.
Pero dahil mahal ako ng mga lamang lupa at santo, nakatanggap ako ng madaming madaming lobo. :) Sobrang galak ko, kasi hindi ko pa nasubukan na magka ballooooons na ganun kadami.. Ang colorful!!! chaka basta, sa sobrang saya ko di ko na alam anong sasabihin ko dito.. Kasalukuyan nang pumutok ang iba kong lobo, lumipad ang iba, at yung iba malnourished na. Pero bago pa man ako makatanggap ng madaming ballooooons! bumili na ako ng hugis puso na ballooooons! at ginawan kong decorations yung kwarto ko para sweeeet. nasiyahan naman ako.:)
Maliban sa mga baby colors kong balllooooons, nakatanggap ako ng boket ng bulaklak...na hindi ko alam kanino galing. Pagdating ko ng office, tinawag ako nung bago kong ka close na guard..sabi me nagpapabigay daw! Galante boket ng pink and white roses. Mabango. At nakakataba ng puso. Kasi hindi ko kilala pero nag abala pang magpaabot ng bulaklak.
Hindi naman sa materialistic akong tao,pero nakakatuwa lang na kahit pala ganto ako, may nagagawa akong kabutihan sa buhay ng iba. May napapasaya ako dahil lang sa ideyang buhay ako, nakakasama ko sila. Hindi ko kayang isipin yung sinabi ng isa kong kaibigan, "natatanggap mo yan kasi ayan naman talaga deserve mo". Para kasing, so yung ibang walang ganto hindi nila deserve? Siguro swerte lang ako.
Nagpapasalamat padin ako dahil masaya ako, binibigyan ako ng human beings ng mga dahilan para lalong pagbutihin maging tao. Di na ako magrereklamo masyado, at mas papahabain ko pa ang paniniwala ko na darating ang panahon na, ang mga tao, magkakaisa at mas iisipin ang kapakanan ng iba kesa sa ikabubuti lamang ng iilan.
yun lang.:)
Comments