Lumipas ang mga araw, ang mga linggo at buwan na hindi ko na ulit nasilayan yung mukha mong gustong gusto kong panggigilan. Namimiss ko yung sungit mong alam kong hindi naman talaga sungit, basta nasusungitan lang ako sayo...Yung matitipid mong salita, yung mga bahagyang pagpapakita na namimiss mo rin ako. Hindi man kita nakikita, alam kong iniisip mo rin ako.
Ngunit, kahit naman sabihin natin gusto natin makasama ang isa't isa..hindi pwede. Parang matinding plaka sa EDSA, na nagsusumigaw na HINDI KAYO MEANT TO BE, WAG NYO NA IPILIT. Pero, pilit man ikaw ilayo ng tadhana sakin, lagi kang bumabalik...gumagawa ng paraan na marinig ang boses kong bisaklat o malaman kung ok pa ba ako.
Kanina..naalala kita,naalala ko yung mga panahon na gusto mo ako laging nakikita,na gagawa ka pa ng dahilan para lang mapapunta mo ako o magkita tayo. Namimiss ko yung araw na wala tayong iniisip kundi kung ano lang yung meron sa ating dalawa, hindi alintana yung mga komplikasyon na hindi kasi talaga tayo pwede. Yung nakikita lang kita na nasa tabi ko,nagsusulat ng mga salitang habambuhay kong itatago sa puso't isip ko. Yung amoy ng pawis at bango ng balat mo sa tuwing kakapit ako sa bisig mo. Yung mga ngiti mong mahirap sungkitin, pero pag nakamit, parang nahulog ang mga tala at kumikislap sa yong mga mata. Ngayon, antagal na kitang hindi nakikita, tinatanong ko sa sarili ko..hihintayin pa ba kita?
Alam kong abala ka sa mga pagbabago sa buhay mo. Alam kong hindi ko kayang sumabay sa bilis ng agos ng mga plano mo, hindi rin naman ako sigurado kung kasama ako sa mga ito..at hindi ko na din alam kung ako pa ba'y gusto mo. Mahirap maghintay,ngunit mas nahihirapan akong bitawan ang bagay na alam kong gusto kong mangyare..sa ating dalawa, tayong dalawa..bukas at sa mga taong dadaan.
Hihintayin pa ba kita?
Marahil wag na lang..dahil hindi ko din naman kayang ibigay ang mga bagay na kayang ibigay ng kasama mo sa bahay.
Baka pwedeng hintayin padin kita, dahil mas masakit limutin at iflush na lang sa kubeta ang konting alaalang na nabuo natin magkasama. Wala man akong sapat na panahong ipagmamalaki na tayo'y magkasama, pero nakapagtatakang kaya kitang ipagsigawan sa mga pader ng kwarto kong pinuno ko ng mga salita. Na hanggang ngayon, gusto ko padin malaman ang pakiramdam na makasama ka sa pangarap na binuo ko mag isa.
Gusto ko na lang na hintayin ka..mahalin ka, ng walang hinihinging panahon na makapiling ka, ng walang aasahang kapalit sa pag-ibig na kaya kong ibigay hanggang langit.
Hihintayin kita. Hindi man sa buhay natin ngayon..na puno ng tanda na wala na tayong pag-asa..hihintayin kita hanggang dumating ang buhay na ako naman ang mamahalin mong una.
Comments