Skip to main content

Boy Talk

Sa mga kababaihan ang girl talk ay sagrado, na hindi pwedeng magsama ng kalalakihan dahil sa medyo obvious na mga kadahilanan. Unang una, lalake ang pag uusapan, kaya malamang bawal ang lalake sa girl talk. Ang kababaihan, detalyado magkwento ng mga bagay sa kapwa babae. Halimbawa, may kras ako, yung kras ko pag kinwento ko sa friend ko.."kinikilig ako!!! kinausap nya ako kanina, as usual syempre hindi ko na naman alam ano isasagot ko. Nasa may bintana ako, I was looking outside, and someone approached me from behind, and he said..are you counting the raindrops?...He was soooo dreamy. Nautal ako bes! wala akong naisagot kundi isang malaking no lang. He was smiling at me like I made the best cookies in the world. He asked me where I live and how do I go to and from work. He seems super interested! Kulang na lang ata itanong nya kung may boyfriend ako, syempre sasabihin ko hindi, kahit pa ba meron basta sya nagtanong, single ako agad.."

Ganyan magkwento ang babae..

Sa lalake.."pre kinausap ako ni Jill kanina, tangina, akala ko end of the world na, bumababa ang mga anghel sa kalangitan!"......gago! yun lang.tapos na.

Pero yung gusto ko lang talaga sabihin dito, gusto ko i share yung experience ko kanina sa office lounge namin..May tv don, may kasama akong 4 na boys na katrabaho ko, nanonood kami ng Fishy business sa Nat Geo.

Mostly, ang mga kababaihan, pag alam nilang nagsasama sama ang mga lalake, ang pinag uusapan, babae, bisyo, babae, boobs, pwet, porn, scandal, hot chicks sa office, sa labas, at kung saan saan. Kaya napaparanoid ang mga babae, lalo pag me boys night out. Pero nung kasama ko yung mga boy workmates ko kanina..Tangina, puro kaabnormalan. Fishy business...kwento ng baby white shark na 6 weeks ng hindi pa kumakain.Naghahanap ng prey at kung ano ang nature ng mga sharks...Alam mo ginagawa ng boys? Nilalagyan nila ng kwento yung shark.

Tangina, kung ganyan pala eh no, kanya kanya, pero 1.6 km kaya nyang makarinig ng mga movement. Parang telepono! pwede sila mag usap kahit malayo. Pag me kainan pala, pwede mag invite agad! Pre punta ka dito sa me madaming corals, maganda bigayan dito.

May mga bakla kayang shark?

Puta nabubuhay lang sila para humanap ng makakain..

Ganun din naman ang tao eh,nagttrabaho ka, gumagawa ka ng paraan para makakain ka.

Uso naman sa animal kingdom ang landian with the same sex eh.

Paano kaya nakakatalon ang shark no? ang bigat kaya nila!

Para palang rubberband yung katawan nya..elastic amputa.

Ang layo layo palang, naamoy na nila yung dugo! pati vibrations ng movements ng prey! paano pag ganyan super power mo? maamoy mo sinong may regla..Mlalaman mo kung nireregla si Kris Aquino.

sa halos isang oras ko silang kasama, at nakikitawa lang ako sa pag uusap nila. Masaya sila sa ganong kalokohan. Wala naman silang pinag usapan na kalaswaan o ano.

Noong unang panahon na may boypren pa ako, pag tinatanong ko anong mga pinag usapan nila ng friends nya..Ang sagot lagi, wala baby, puro kalokohan lang,nag trip trip lang kami.

Ganon lang naman kasi kaabnormalan nila, di katulad nating mga babae, jusko, kulang na lang eh pag usapan natin ilan ang pubic hair ni derek ramsey, kung gaano kaganda at kakinis ang pwet nya sa Other woman. Mga ganon.

Wag tayo masyado ma trust issue. Pero syempre bilang ma rason na nilalang ang kababaihan, sasabihin natin na di naman kasi mapipigilan yun dahil madaming manloloko na lalake ngayon, kahit pangit nga mas babaero pa!

Wala naman akong pnpoint dito, natawa lang ako ng medyo madami kanina..mga 67. kung paano mag usap mga lalake, kung paano sila magkasiyahan, at kung paano sila mag abnormal. Usually naman, mag sseryoso lang sila ng usap, kapag sobrang problemado na sila, or sadyang chismoso mode lang sila ganon.

Yun lang.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...