Skip to main content

Sa Panaginip

Matagal na ang huli na tayo'y nagkasama..huling ngiti, huling hawak ng kamay, huling pagkain na magkasama, huling labas kasama ng barkada, huling inom, huling yosi, huling paglalapat ng ating mga labi.

Napanaginipan kita kanina.

Nasa panaginip ko yung taong akala kong makakasama ko na habambuhay. Soulmate ko. One and only. Best friend. Ultimate Lover. My Joker. My happily ever after...pero sa pinagkahaba haba ng prusisyon ng hirap at sakit, sa huli, ako padin yung sawi.

Napanaginipan kita kanina.

Nakatingin ako sa kawalan, nasa bandang kaliwa kita, di kalayuan..huminto ka sa paglalakad, nakatingin sa akin, nakangiti. Hindi man ako nakatingin sayo non, alam na alam ko yung ichura mo sa tuwing masaya ka..Lumiliit ang mga mata, lumalabas ang maliit na biloy, at ang mga ngipin mong sing puti ng perlas sa dagat. May kilig ang iyong ngiti, tila walang sisidlan ang galak ng ako'y iyong makita.

Napanaginipan kita kanina...

Lumapit ka sa akin..."Hi." Hindi ako umimik. Tila hangin lang ang dumaan, tumalikod, at nagsimulang humakbang palayo. Hinabol mo ako, ng may ngiti padin sa mga labi. "Kumusta ka na?"
Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung nakikita nga ba kita sa panaginip, o isa na itong reaksyon na ayaw na kitang maging bahagi ng bago kong buhay. Buhay na binuo  ko lamang simula nung nawala ka. Nung panahong pilit mo kong ipinagtabuyan at iniwan para sa kanya. 

Nasa panaginip kita kanina.

Ganun na lang natapos ang panaginip ko. Hindi ako umimik, hindi kita pinansin. Lumayo ako ng walang paghikbi, walang pag aalinlangan.

Nasa panaginip kita kanina.

Lungkot lang din naramdaman ko paggising..dinala ko pa nga habang naglalabas ng kaluluwa ng aking mga kinain. Masakit padin isipin na ang inakala kong forever, eh magtatapos lang din pala sa game over. Ngunit,hindi ko rin naman pinag sisisihan, wala din akong sinisisi sa mga nangyare. Dahil sabi ng tadhana, ayun lang din naman ang magiging serye sa huli. 

Nasa panaginip kita kanina.

Bumalik man ang alaala't sakit, hanggang doon na lang yun...sa panaginip.


Comments

Anonymous said…
Di na babalik...

https://youtu.be/vFiukCriJ2M

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...