Skip to main content

Weight Lang, Bilog na ako..

Para sa mga taong kilala ako, simula pa nung nasa sinapupunan ako, payat talaga akong nilalang. Hindi tabain. Nasubukan ko lang tumaba nung review days ko bago mag board exam. Ilang buwan lang yun actually..una, broken hearted kasi ako non, depressed ako at nasstress ako sa boardexam..baka di ako pumasa.:p So lahat ng meals ko sa buong araw, may kanin. Kulang na nga lang, iulam ko na yung sago't gulaman na peburit ko non.

Pagkatapos non, may pananampalataya ako na isa ako sa mga pinagpala ng Maykapal na di tumataba kahit kain ng kain. Tumataba ako..yung chan ko pala. Pero pag tumigil ako sa pagkain ng kanin, bumabalik sa 26 ang waistline ko. Matapos ang ilang taon, ang 26 inch waistline ay isa na lang guniguni ng aking masayang kahapon.

Medyo wala ata 'to konek sa totoong intensyon ng isusulat ko. Eto kasi yung history. Bilang isang beach enthusiast..(enthusiast talaga?) ulit. Bilang isang nilalang na mahilig tumambay sa sheeeeshore, sinimulan ko ang taong to na nas beach. Nasundan pa ng beach-ing matapos ng isang buwan...so get mo ang history? mahilig ako mag beach..mahilig ako humiga sa buhanginan at panoorin ang pagcha-cha ng alapaap sa kalalngitan, alinsunod sa hanging sariwa. At ang hobby na ito ang nagpahamak sa balat kong maputi..feelingerang maputi.:p

Pag uwi ko galing beach-in, laging may tumutubo saking mga mapupulang rashes sa binti..So pag uwi ko nung huling beses kong nag dagat, meron akong isa sa may tuhod...na hindi na nawala! Matapos ang isang buwan, nanganak sya, na parang mga kapatid natin sa pederasyon..di naman nakakabuo ng embryo pero dumadami sila. Dumami..naging dalawa, tatlo, apat, lima..hanggang sa kumalat na sya sa buong kaliwang binti ko..hanggang kaliwang braso..so kaliwa lang..Katulad nya, mahilig mangaliwa. Charot!

Nung mga panahong to, di pa ako mataba..:p

After 2 months, na feel kong di ko na kaya..nasasaktan na ako..pakiramdam ko di na ako tao..cheret! Ang rason ko lang talaga bakit ako naghanap ng derma, eh dahil di na ako makapagsuot ng skirt..hahaha.so pinatingin ko na sa derma 1. Binigyan ako ng prednisone for 1 week at Foskina B na ang mahal na pamahid. Pero matapos ng isang linggo, kumalat lang lalo ang ating rashes sa kabilang parte ng aking katawan. So naghanap ako ng bagong derma. Etong kasunond kong derma, kamuka ni Gloria Romero! Medyo matagal din akong nagpabalik balik sa kanya..weekly ang visits ko, so nagsawa talaga ako eh..Ilang buwan din..2 or 3 months sya derma ko. Maintenance ko na ang steroids, at madami akong pamahid na lahat may steroid content din. Maliban dito, madaming bawal sakin..bawal ako mag beach! bawal pagpawisan, bawal mastress, dahil dadami lalo. Walang bawal na food, awa ng mga santo. bawal mag workout!!Dito ako nagsimula mag gain ng weight. so syempre, akala ko normalan lang na pagtaba ko..tumigil ako kumain ng rice..Pero kahit nag aabstain ako sa mga usual kong fattening diet, tumataba padin ako! At hindi lang normal na pagtaba na nagaganap sakin dati (tumataba pero same weight lang). Nag ggain ntalaga ako ng weight..Lumagpas ako sa heaviest ko na 53kg..Healthy padin naman, within my normal bmi. Pero bumibilog na muka ko..literal na siopao. Di na din magkasha mga pants ko! Eto kasi talaga pinaka matinding concern ko..wardrobe!:p

Pagkatapos ni derma 2, aka Gloria Romero..nag ttake na ako ng pinakamatinding steroid there is..di padin ako gumagaling..nag decide na ang inang reyna na humanap ng bagong derma..dahil maliban sa antaba ko talaga, buong katawan ko na ang merong rashes..syempre wala sa palad ko at talampakan. Yes, meron na din akong 2 pieces of rashes sa muka..kaya alarming na! Baka magmuka na akong buchi kung nagkataon na dumami pa sila sa muka ko.

Derma 3..maganda syaaaaaa! Matapos nya mag history taking, sabi nya bigla.."tanggalin mo damit mo".I feel harassed! pinaghubad nya me ng windows wide open!sabi ko, "dito po?now na?"

Sumagot sya ng may pagtataray: "oo,pano ko makikita distribution kung di ka maghuhubad?"

Antaray! Pagkatapos ng almost 30 mins na pag uusap, nadagdagan ang mga bawal na maganap: bawal magsuot ng tight clothings, colored clothngs, dapat light lang. bawal isama sa ibang damit ang damit ko, dahil bawal ang fabcon. Kelangan magpalit ng kobre kama weekly, at bawal itabi sakin ang aso ko!!!! huhuhu..Nag reseta sya ng gamot..you guessed right! Prednisone padin..at dalawang pamahid, isang spray! inabot ako ng ilang libo! Galing Paris ang mga pamahid ni doctora. Pero effective! worth it ang salapi..hanggang sa dumating ang time na mag ttaper na kami ng prednisone..Akala namin ni doc ganda, gagaling na ako..kasi hindi na weekly ang pagkikita namin, every 2 weeks na! at yung pred ko eh hindi na twice a day..once a day 1 tablet na lang. Ngunit, nagsimula ulit maglabasan ang rashes! with vengeance! Mas madami..mas makati..di na naman ako makatulog, tumataba ako lalo..at unti unti akong nadedepress at bumababa ang self esteem.

Hindi na wardrobe ang main concern ko..yung depression ko na, at low self-esteem. Dito ko naramdaman ang totoong naffeeeeel ng mga chubby friends natin, na laging pinapansin ang weight nila. Lahat ng nilalang na kilala ko, eto na ang chismis.."tumataba kaaaaaa", "ang bilog na ng muka mo", "anong nangyayare sayo rv? ang taba mooooo"..these are just some, na may kasamang kabig na "pero ang cute mooooo", sabay kurot sa bilog kong pisngi. Nagsimula na din akong wag lumabas.. Di ako nakikipagkita sa mga friends ko, di na din ako namamasyal. Trabaho-Bahay ganon. Eto yung part na, naging close kami ng baking..kasi weekends ko nasa bahay lang ako, nag eeverwing..eh nainip ako.

Yan yung history ng pagtaba ko..Ngayon, mataba padin ako..59kg na ako ngayon..at di ko na alam kung malusog pa ba ang atay ko dahil ginawa ko nang maintenance ang Prednisone..Madami padin akong pamahid na ang mamahal. Tapos weekly ako bumibili, weekly ako bumabalik sa doctor.:/ Pano na lang kaya kung wala ako healthcard? Wala na..bigti na lang ako..eh ang mamahal ng consultation fee ng derma. hindi ko din sure kung ang mga additional kong nararamdaman eh part padin ba ng side effects ng mga iniinom ko at pinapahid ko..May episodes na din ako ng edema. Kaya panibagong check up na namaaaaaan.:p kidney at liver ko naman ipapacheck ko..baka hindi na sila good candidates para ibenta sa future eh! :p

Yun lang..araw araw, wnwish ko na lang na sana matapos na., parang feelings ko sa kanya! cheret! Gusto ko na lang bumalik sa dati, payat, walang problema kung Small pa ba ako o Medium or Large na ba ako ngayon? Ayoko na isipin na every time tinitignan ako ng tao, iniisip na ang bilog ng pisngi ko at ang dami kong chins! Ang bigat ko din..sinubukan kong mag workout, kahit jogging or stationary bike lang para mag shed akon baby fats..wala, nag fflare up lang rashes ko.:/ Di ko na malaman ano kaya pwedeng gawin, para pumayat?

Writing this because I don't know if anyone really can relate to what I am going through. I don't know if what i'm feeling is even valid reason to feel bad about myself. Alam ko di naman nakakabawas ng pagkatao ang taba..pero nakakabawas sya ng katinuan. That I know.

I wish people would stop body shaming, regardless of the reason why a person is fat. And i hope people would stop thinking that I'm pregnant! Wish ko lang ayun na lang dahilan, kesa sabihin na may dermatitis ako..in tagalog, galis, at iexplain sa kanila ang pharmacokinetics ng steroids :p



Comments

planktrooper said…
"We share a Celtic soul, you and I.
This world,
it's just an illusion, Ginty old girl.
As long as we hold that thought dear,
they can't break us.
They can't make us endure their reality.
Bleak and bloody as it is.
Money. Money, money.
Don't you buy into it, Ginty.
It'll bite you on the bottom." -Travers Goff, Saving Mr.Banks(2013)

Get well soon, RV!:)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...