Skip to main content

Getting sick, Getting old

Charot lang!

I don't think getting old is an excuse to get sick. Nagkataon lang talaga na mahina yung immune system ko that time, and I got sick! Pero sobrang galing kaya ng body ko for so loooong na may ubo't sipon officemates ko, di ako nahahawa. I am pretty sure, nakuha ko to sa swimming pool, dahil may kadiring nag miming na kasabay ko non na may sipon! Nakita ko sya suminga!Ohmaygaaaaaad. at naisip ko na lang yon, nung bed ridden na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Tagal ko na kaya di nagkakatrangkaso. And, pagbalik ko ng office, ang sinasabi nilang culprit eh yung diet kong hindi katulad ng diet nila. I've been eating clean, with occasional cheats dahil may okasyon. Although, not sure if I still want to call it cheats, kasi di ko naman feel na pinapahirapan ko sarili ko with eating more greens, grains and carbs. I still eat bread and cookies though..di ko kaya tanggalin yan! Siguro, ayan na lang ittry ko tanggalin for a week ulit! See if kaya ko. Wala namang imposible sa determined utak. But!!! I bought 1 box of butter cookies.:( So after na lang maubos? hahaha. Na half ko naman na eh. hahaha.

I am also proud na kahit diet modification palang ginagawa ko, and weekly workout, yung mga dresses ko before na di nagkasya, eh kasya na ulit sakin!!!:) Chaka malapit na ako sa target weight ko. Oha! Yabang ko na. char. Progress report ko lang to para sa sarili ko, kasi I'm training myself not just to stay healthy, but the discipline I will gain from this, will also help me with other things in life. Diba? Pero feeling ko hindi talaga eto yung gusto ko i topic! Nabanggit ko lang ng 2 paragraphs hahaha. 

Bilang madami na din akong flight of ideas right now. I might as well, mention na torn ako kung magpapa pixie cut na ako ulit or should I grow my hair out. Girl problems. Life nga naman. So hard some times. Should I color it? Should I chop it off? Hirap. Parang Algebra!

Going back to getting old..hahaha. May family day/ trick or treat sa office. Dapat eh may 2 kids akong kasama, ininjaaaan ako ng mga bagets! So nakatulog ako kakahintay. maygaaaaad! Naisip kong gusto ko na din ng bagets! Kasi kakaririn ko talaga yang costume kemerut na yan! Sinabi ko sa kapatid ko yun, sabi nya magiging stage mother, masyadong competitive ganon. hahaha. Wala pa man din nakakaisip na ako ng costumes! hahaha. Pero mahirap to, kasi wala pa akong jowa eh. Pano ako gagawa ng bagets diba. Na pnpressure na din ako ng ina ko, para may apo na din syang bbitbitin sa pagsisimba nya. So I feel old, kasabay ng pag deteriorate ng egg cells ko. Pero when I think about my friend na 35 yo na tas single pa, di pa ako nawawalan ng pag asa. Sabi daw ng OB nya eh, may 2 yrs pa sya to get pregnant. Kasi beyond 37 y.o, delicates na ang egg cells. Kapit lang uterus and my specimens inside me. We'll get you there! Stay with me! hahaha.

Walang kwenta talaga tong entry ko today. Bet ko lang magkwento sa sarili ko. Abangan ang susunod na alamat! :) May naisip akong bago..ahahaha. Brought to you by mothers addicted to their tupperwares. 

Comments

Anonymous said…
Hey:) Commenting to your previous reply, of course i wont forget to give back this is still our country. My sense of nationalism is still intact hehe...Anyway i'm thinking of adding you on FB messenger though i think you already know me by my previous comments. FB Messenger muna ha? Di ko pa afford mag add directly sa FB coz im still unworthy of doing that. I like this post--as in superrr! One word lng ang aking takeaway: Progress. Maintain this pace, don't second guess just go for it:) Thanks!
RV said…
Wala naman akong blog sa messenger. Hahaha. Pano kita makikilala eh Anonymous ka lagi mag comment?😆
Thank you for liking my walang kwentang blog today. :p
planktrooper said…
Hi RV! It's me anonymous. Can i add you on FB Messenger?:) Positively thinking you would consider. Thank you
RV said…
Hahahaha. Oks lang namang. Pero wala namang blog sa messenger beshie! And, wala ako kwenta kausap.hahaha.

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...