Naniniwala ka ba sa soulmate? Yung isang tao na kakambal ng soul mo. Not necessarily na sobrang kapareho mo, tipong parang carbon copy ng pagkatao mo, pero yung soul na nag ccompliment sayo. Iisa lang yan, and one in a million pag nahanap mo sya. :)
Madaming kultura ang nagsasabi tungkol sa soulmates.
Una, sabi sa isang keme, ang soulmate, red string. Napalabas na to sa ABS-CBN. Na sa dulo ng bawat string ay yung soulmate mo.
Question, pano pag naputol yung string? Paano pag namatay yung nasa kabilang dulo ng string? May pumapalit ba? o iisa lang sya talaga at magssettle na lang ba tayo sa mediocre love?
Madaming kultura ang nagsasabi tungkol sa soulmates.
Una, sabi sa isang keme, ang soulmate, red string. Napalabas na to sa ABS-CBN. Na sa dulo ng bawat string ay yung soulmate mo.
Question, pano pag naputol yung string? Paano pag namatay yung nasa kabilang dulo ng string? May pumapalit ba? o iisa lang sya talaga at magssettle na lang ba tayo sa mediocre love?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Another 2018 draft. Fast forward to 2021, I found my soulmate.
I-relate na lang natin to sa red string, dahil parang may laban naman yung idea. Naikwento ko na din naman si Jason, na college batchmate kong di ko naman close, magkalapit kami ng bahay, after 8 years of being friends (at crush nya ako simula college ha!), I finally felt the tug of love nung minsang nagdikit ang aming mga kamay nang finally pumayag ako makipag-date sa kanya, out of all his invitations since college. Nakakatuwa padin maalala yung first date na yon, kasi I was wearing super casual lang like ripped jeans and shirt, tapos sya naka longsleeves! Naimpress ang lola nyo, nagpabango pa at pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan. Ngayon, di na sya naliligo. HAHAHAHA. Pero kahit di yun mahilig maligo, soulmate ko padin sya. Wag kayong ano!
Anyway, may isa instance in life kami na "lasheng" kami pareho and our thoughts were just so wild! todo daldal ako, blabbering about the universe, evolution and shit, sya, kinig lang sya sakin, tapos bigla ko syang tinanong, "naiintindihan mo ba talaga sinasabi ko ngayon?", sumagot sya "ako lang talaga makakaintindi sayo, lalo na sa sitwasyon na 'to". Well, first and foremost, alam kong may same wavelength kami ng thought process, madami man kaming differences, I find it nice as in kasi there will always something to talk about, to debate on.
Tapos kanina, naalala ko yung incident na yon, edi sinabi ko sa kanya, ang sinagot nya "kahit naman on normal days ako padin lang makakaintindi sayo."
"Bakit naman?"
"Syempre love kita. "
At yan mga kaibigan, naihi sa kilig ang tita nyo.
Nawala na tayo sa notion of soulmates, bayaan nyo na dahil nahanap ko na ang soulmate ko. Blog ko naman to kaya ok lang yan.
Ang gusto ko lang sabihin, in my personal point of view, soulmates will not necessarily be between lovers, madalas nga nasa friendships natin nahahanap ang soulmate. Kasi that someone will love you, accept you, care for you, bully you, make you happy, annoy you, support you with your life goals, help you find purpose, see the world in different lights, and push you to be a better version of yourself. And ganon ka din sa kanya. If you ask me, pwede bang madaming soulmate? Pwede! May plural form naman yan eh, soulmates. hahaha. It will truly depend on how you view the term, and how it applies to your life. It's just nice to know that someone in this world, will always be there for you kahit pa may mood swings ka at maldita ka sa totoong buhay.
It's universe's way to make you realize that our lives are entangled with each other. We are all connected, and we are not meant to travel this universe alone.
And before we end this blog, I just had another question that popped in my head. Will a soulmate ever leave you? What if he/she did all the things abovementioned, pasok sa lahat ng criteria, but in the end, that person left, hindi ba yun soulmate?
That is up for another blog, and another thing to think about. To answer it rashly though, I think yes, soulmates, much like love can be fleeting, but will leave a permanent mark.
Yun lang. Bow.
Comments