Skip to main content

Because drinking coffee at 10pm will bring you ideas...

As usual, my warning 'to. My mind doesn't work in linear thought process, so like a grasshopper, hopping from an idea to another. Mood swings, from sad to trying to be light about serious problems, to happy, to morbid, to whatever emotion there is to feel.

Recently, I have been harboring negative thoughts, which I tell my jowa about. They may not be tagged as negative, because the things I am constantly thinking about are current events. How the world has gone amok, and probably ending? 

COVID has not died yet, and from the looks of it, madami pa syang immutate, planning to finish hanggang zeta ata? Pero sana huwag na. 

Kumusta naman kaya ang North Korea? May COVID ba sa kanila? According to Google and several sites, wala! Ano pang bansa? Turmenistan, Tonga, Tuvalu, at Nauru. Sila na lang ang mga bansang walang COVID. Maygaaaad! Bless your health and immune system. 

May giyera sa Afghanistan, yung mga tao, I don't if they use common sense, but fight or flight na kasi sila eh. They were seen clinging to planes which are taking off, so they died falling from the skies. Hayst. And for all we know, China is preparing to declare war to whoever is willing to fight. Tangina. World War 3 in the making. Rambulan na. But the amazing part is! China is still producing more and more useful and useless stuff you can buy off from Shopee, Lazada and other online shopping sites. The superpower they hold. 

Wala na atang funny sa mundo ko ngayon. Ang tanong! Since it's the best time to live life to the fullest, because you will never know until when you will live, ano ang mga nasa bucketlist mong pwedeng gawin indoors? hahaha

So, nag isip ako...

Natapos na ako mag paint ng walls, nag dikit ng wallpaper sa plastic cabinet, mag lagay ng shelves, to put plants on, naging plantita na ako yes, nag assemble ng kung ano anong inorder ko sa Shopee at Lazada, namigay ng food sa friends, naging cook na din ako, naging online seller, sumali sa mga costume contest sa office since Zoom lang naman ang parties, nanalo na din ako once. :D Wala bang susunod sa dalgona coffee? Sa ube cheese pandesal? Anxiety na lang ba inuulam natin sa araw araw? Ah, wala pa akong Tiktok until now. May bago akong hilig...mag just dance at maglaro ng home design. Pwede, i goal maging dancer! 

Siguro...ittry kong makipaglaro sa jowa ko mag ps4. Hhhmmm...medyo mahirap to. 

Alam ko na...how to save a life? how to be a blessing to others.

Gawa din kaya akong community pantry sa tapat ng bahay namin? Mamakyaw ng tinda ng isang naglalako sa kalye. 

Magkaanak? Ayoko pa. Pero gusto ko na maging tita. :D 
Sa panahon ngayon, I feel like it's a little selfish to bear a child who will only see the 4 corners of your house in his/her 1st year of life, dahil sabi ni kim chu bawal lumabas, and who knows how long this pandemic will last? baka maka 3 na anak na friends ko, di pa tapos. What a negative thought, RV. kakaloka. 

Gusto ko sana magbasa na lang ng magbasa, but yaknow we got bills to pay, so work lang ng work at umaabot pa nga ako ng midnight working. Aha! ang igoal dapat, ay kumota! para may pangbayad ng more bills, and share it to others! 

Ayan na nga muna ang priority! :) 

We ending this entry on a positive note, and a shining, shimmering motivation to work smarter tomorrow...mamaya pala. 

To you, my future reader, sana ok ka lang, physically and mentally. Sana masarap ulam mo. 
Stay safe. 






Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...